Netizen, nawindang nang umabot higit P8,000 ang shipping fee ng iisang order niya

Netizen, nawindang nang umabot higit P8,000 ang shipping fee ng iisang order niya

- Naging viral sa social media ang kakaibang karanasan ng isang netizen sa online shopping

- Sa pinakita niyang post, umabot na sa libu-libo ang shipping fee ng order niya

- Base nga rito, mas mahal pa ang shipping fee niya sa binili niyang damit online

- Tawang-tawa naman ang netizens dahil sa napakalaking halaga ng shipping fee

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tampok sa social media ngayon ang karanasan ng isang babae sa online shopping.

Nalaman ng KAMI na iisang order ng netizen, umabot na sa libu-libo ang shipping fee nito.

Makikita nga sa Facebook post ni Nermi Fabi na sa kanyang order na isang damit, nasa P8,960 na kaagad ang lumabas na presyo ng shipping fee.

Samantala, kita naman na nasa P45 lang ang damit na bibilhin niya sa online shop na ito.

Kaya naman ang tanong ng netizen ay: “Ano ba magdedeliver saken? Helicopter?”

Tawang-tawa naman ang mga netizens sa kakaibang online shopping experience na ito. Narito nga ang mga komento nila sa Facebook post:

“saan ba galing ang mag ship ? sa moon?”
“naka sportscar mag dedeliver”
“HAHAHAHAHAH LUGING LUGI”
“HAHAHAHAHAHA mahal pa shipping kesa sa order hahaha”
“grabeng shipping fee yan ano ba maghahatid airplane? HAHAHA”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong may community quarantine pa rin sa Pilipinas, patok na patok nga ang mga online business pati na rin ang online shopping. Kaya naman, dapat mas maging ma-ingat rito.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang netizen naman ang nagbahagi ng kanyang nakakakilabot na karanasan nang may nagpanggap na delivery rider sa labas ng bahay nila.

Bukod pa diyan, nauuso na rin ngayon ang “face shield scam” dahil nire-require na ito ng gobyerno sa mga commuters at nasa trabaho.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel