Patay! Raffy Tulfo, sinabihang "matanda" ng 1 babae habang on air

Patay! Raffy Tulfo, sinabihang "matanda" ng 1 babae habang on air

- Walang kamalay-malay ang isang ginang na si Raffy Tulfo pala ang kanyang kausap sa telepono at sinabihan pa itong "parang matanda"

- Pero sa halip na ma-offend ay tuwang-tuwa pa si idol Raffy sa pagka-prangka nito

- Ito ay matapos magpanggap ng batikang mamamahayag na siya ay naghahanap lamang ng phone pal

- Ang ginang ay isa sa mga maswerteng viewers na nanalo ng P5,000 mula sa programa ni Tulfo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Walang kamalay-malay ang isang ginang mula sa Zamboanga na ang batikang journalist at isa sa mga kilalang personalidad sa bansa na si Raffy Tulfo na pala ang kanyang kausap sa telepono at sinabihan pa itong "parang matanda" on national television.

Patay! Raffy Tulfo, sinabihang "matanda" ng 1 babae habang on air

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Pero sa halip na ma-offend si idol Raffy ay tuwang-tuwa pa ito at aliw na aliw sa pagka-prangka ng babae na si Nur-Aina Ismael.

Nagpanggap kasi si idol na naghahanap lamang ng ka-phone pal at si Nur-Aina ang kanyang napili.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ipinamalas din nito ang kakayahang magsalita ng wikang Chavacano habang kausap ang ginang.

Kwento pa nito ay mahigit isang taon daw kasing nanirahan ang kanilang pamilya sa Zamboanga at paminsan-minsa ay ginagamit pa rin nilang magkakapatid ang lenggwaheng ito.

Noong una ay wala pang ideya ang babae na siya ay isa sa mga napiling mabigyan ng P5,000 ng programa ni Tulfo.

Pero maya-maya pa ay ito na mismo ang siyang nakatunog na si Tulfo na ang kanyang kausap at tuwang-tuwa.

Sa isang video na ipinalabas ng programa, ipinakita ang panawagan ni Nur-Aina para makahingi ng tulong.

Masayang-masaya naman ito dahil sa swerteng kanyang natanggap mula sa programang Idol in Action.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast journalist at kilalang personalidad sa bansa.

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Kamakailan, sa isang pambihirang pagkakataon nagkaharap na sina idol Raffy at ang "Queen of all Media" na si Kris Aquino.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel