Soon to be dad na naaksidente, patay nang tanggihan ng 7 ospital

Soon to be dad na naaksidente, patay nang tanggihan ng 7 ospital

- Patay ang isang lalaking rider na naaksidente sa Makati matapos umano itong tanggihan ng pitong ospital

- Naghihinagpis ang naulila nitong asawa na manganganak pa naman ngayong buwan

- Ayon sa kaanak ng nasawi, nakakausap pa raw ito noong dalhin sa ospital at kinakailangang maoperahan dahil sa tamang tinamo sa ulo

- Ngunit dahil sa kakulangan ng doktor at sa banta ng COVID-19, tuluyan nang binawian ng buhay ang lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naghihinagpis ang misis ng lalaking rider na naaksidente sa Makati noong August 9 at kinalaunan ay binawian din ng buhay.

Mag-isa na lamang nitong bubuhayin ang kanilang anak na nakatakda niyang isilang ngayong buwan.

Soon-to-be-dad na naaksidente, patay nang tanggihan ng 7 ospital

Screen grab from YouTube
Source: Facebook

Ayon sa panayam ng One Balita Pilipinas sa mga naulila ng lalaki na si Michael, buhay pa sana ito kung naagapan.

Kwento ng mga ito, pauwi na raw sana si Michael sa Parañaque mula sa Malabon nang maaksidente ito sa Makati.

Dinala ito sa Pasay General Hospital at sumailalim sa CT scan at x-ray kung saan nakita ang tinamong tama nito sa ulo na kinakailangang maoperahan agad ayon sa ospital.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa mga panahong iyon ay nakakausap pa raw nila si Michael.

Pero dahil walang neurosurgeon sa nasabing ospital, nagpasya silang ilipat si Michael sa ibang ospital.

Ngunit sa anim na pinuntahan ng pamilya, wala raw tumanggap sa pasyente. Ayon sa kapatid ni Michael, hindi na raw sila tinanggap pa ng mga ospital dahil puno na ang mga ito.

Ang Medical Center Parañaque ang pang-walo nilang pinuntahan kung saan tinanggap naman si Michael.

Agad naman daw itong dinala sa isolation area at nilagyan ng ventilator ngunit nag-positibo naman ito sa rapid test.

Dahil sa protocol ay hindi agad naooperahan si Michael kahit na nakiusap na ang pamilya hanggang sa tuluyan nang pumanaw ang lalaki.

Ayon naman sa pahayag ng ospital, wala silang available na neurosurgeon nang mga oras na iyon. Agad naman daw nilang prinoseso na mailipat si Michael sa Philippine General Hospital ngunit hindi na ito umabot.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dati nang nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ospital na tatanggi sa mga pasyente matapos mabalitaan ang tungkol sa mga pasyenteng tinanggihan ng ilan.

Matatandaang ilang beses na ring may naiulat na nasawi dahil sa pagtanggi ng mga ospital dahil na rin sa banta ng COVID-19.

Katulad na lamang ng isang dalaga na pumanaw nang 'di man lang nalalaman ang tunay na dahilan matapos tanggihan ng limang ospital.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel