Ilang palabas at artista ng ABS-CBN, lilipat at muling mapapanood sa TV5 Network

Ilang palabas at artista ng ABS-CBN, lilipat at muling mapapanood sa TV5 Network

- Usap-usapan ngayon sa social media na ang ilang Kapamilya shows ay ililipat sa TV5 Network

- Subalit, malaki ang posibilidad na hindi na original cast ang mapapanod sa mga show na ito

- Bukod pa rito, ilang Kapamilya stars din ang inaasahang mapapanood sa mga bagong show sa TV5 Network

- Sabi sa ibang report, magkakaroon daw ng malaking announcement ang TV5 sa susunod na buwan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang pagsasara ng ABS-CBN Network, ilang Kapamilya shows naman ang napapabalitang ililipat umano sa TV5 Network.

Nalaman ng KAMI na ilang Kapamilya stars din ang magkakaroon ng show sa TV5.

Ilang palabas at artista ng ABS-CBN, lilipat at muling mapapanood sa TV5 Network

Photo from Getty Images
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng PEP.ph (isinulat ni Jojo Gabinete), maglalabas pa lang ng official statement ang TV5 sa katapusan ng Agosto ang araw kung kailan din marami ang mawawalan ng trabaho sa ABS-CBN dahil sa retrenchment.

Sa ngayon, may dalawang Kapamilya show nga ang usap-usapan ang paglipat sa TV5. Ilan na nga rito ang gag show na "Banana Sundae" at ang sitcom na "Home Sweetie Home".

Subalit, hindi na umano original cast ang makakasali sa Banana Sundae. Plano rin daw ng TV5 na alukin si John Lloyd Cruz na balikan ang karakter niya sa Home Sweetie Home.

Sa ulat naman ng Philippine Star (isinulat ni Jan Milo Severo), ilang Kapamilya stars naman ang magkakaroon ng show sa TV5. Narito nga ang ilan sa mga ito:

Chika, BESH! (Basta Everyday Super Happy)

- Ito ay isang morning show na sina Ria Atayde, Pauleen Luna, at Pokwang ang magiging host

Fit for Life

- Ito ay fitness show na si Jessy Mendiola naman ang magiging host

Fill in the Bank

- Ang show na ito ay pagbibidahan ng Kapamilya at Kapuso comedians na si Jose Manalo at Pokwang

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Noong magsara ang ABS-CBN dahil hindi inaprubahan ang franchise renewal nito sa Kamara, na-terminate na rin ang mga kontrata ng mga artista at pinayagan na silang lumipat sa ibang network.

Dahil marami ang mawawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng Kapamilya network, inanunsyo naman ng TV5 na handa ito kupkupin ang ilang empleyado.

Inamin din ni TV5 Network chairman Manny V. Pangilinan na nakikipag-ugnayan nga ang Kapatid network sa ilang ABS-CBN stars para sa mga bagong show nila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel