Video ng frontliner na tila natapong tubig ang pawis sa pagpapalit ng PPE, viral

Video ng frontliner na tila natapong tubig ang pawis sa pagpapalit ng PPE, viral

- Agaw eksena sa social media ang video ng isang medical frontliner na pinakita ang pagtatanggal niya ng personal protective equipment

- Parang natapong tubig ang pawis na naipon sa loob ng kanyang PPE

- Patunay lamang ito kung gaano kainit at kung gaano kahirap ang magsuot ng PPE sa loob ng walo o higit pang oras

- Dahil ito, lalong hinangaan ang mga frontliners dahil sa hirap na kanilang dinaranas sa laban natin kontra COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Video ng frontliner na tila natapong tubig ang pawis sa pagpapalit ng PPE, viral

Frontliners in PPE (Photo from Rawpixel)
Source: UGC

Viral ngayon sa social media ang video ng isang medical frontliner sa China na nagtatanggal ng kanyang personal protective equipment.

Nalamang ng KAMI na ito ay kuha sa Urumqi, ang regional capital ng Xinjiang in north-western China noong Agosto 8.

Kasalukuyan lamang noong naka-break ang frontliner ngunit halos maligo na ito sa sarili niyang pawis.

Kitang kita sa video na orihinal na binahagi ng Jam Press, makikita na tila parang natapong tubig ang pawis ng frontliner na mula sa kanyang proteksyon sa mga paa.

Parehong paa niya ang napuno ng sarili niyang pawis sa tindi ng init ng kanilang suot.

Marahil papalitan ito upang kahit na paano'y maibsan ang hirap ng pagsusot nito na maaring maging hadlang sa kanilang pagkilos.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Patunay lamang ito na hindi biro ang pagususuot ng hazmat suit o PPE dahil hindi ito komportable sa katawan lalo na kung isusuot pa ito ng walo o higit pang oras.

Tulad na lamang sa nurse na nasa video, break pa lamang niya kaya nangangahulugang babalik pa ito sa kanyang pag-aalaga sa mga pasyenteng tinamaan ng virus.

Dahil dito, mas lalong hinangaan ang mga medical frontliners sa sakripisyong ibinubuhos nila sa laban natin kontra COVID-19.

Narito ang kabuuan ng maiksing video na binahagi rin ng Newstoday:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakalulungkot lamang isipin na sa kabila ng mga paghihirap na ito, sila pa ang nabibiktima ng diskriminasyon ng iba.

Tulad na lamang ng isang nurse na nagpositibo sa COVID-19 sa Kawit, Cavite. Imbis na tulungan mismo ng pinapasukang ospital, ito pa raw ang nagbigay sa kanila ng sakit ng ulo dahil sa kapabayaang ginawa sa kanila.

Gayundin halos ang naranasan ng isang nurse sa tinitirahan naman niyang boarding house. Matapos na maging tapat sa kanyang landlady kaugnay ng kanyang kalagayan, nagawa pa siyang palayasin. Ang masaklap, maging ang health center ng kanilang barangay ay di rin siya natulungan at noo'y ay sarado raw.

Mabuti na lamang at nasagip siya ng Philippine Red Cross at kasalukuyan na siyang nailagak sa isang isolation facility sa Quezon City.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel