Empleyado sa ospital na nagpositibo sa COVID-19, pilit pinauwi dahil umano sa diskriminasyon

Empleyado sa ospital na nagpositibo sa COVID-19, pilit pinauwi dahil umano sa diskriminasyon

- Humingi ng saklolo ang isang hospital employee na matapos magpositibo sa COVID-19 ay pilit pa ring pinauwi sa kanilang bahay

- Nagmaakawa ang empleyado na manatili na lamang sa ospital dahil marami sila sa bahay na posible niyang mahawa

- Isa rin sa mga inaalala niya ay ang mga apo niya na maaring mahawa rin sa kanya

- Hindi sumasagot ang ospital kaugnay sa akusasyon ng empleyado ngunit agad namang aaksyunan ng alkalde ng Caloocan ang kalagayan nito upang maialis siya sa kanilang tahanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Empleyado sa ospital na nagpositibo sa COVID-19, pilit pinauwi dahil umano sa diskriminasyon

COVID-19 test (Photo from Pixabay)
Source: UGC

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang isang empleyado ng ospital sa Caloocan dahil di umano sa diskriminasyong kanyang naranasan sa mismong pagamutan.

Kwento ni "Myra", (di niya tunay na pangalan) nagpositibo umano siya sa rapid test na isinagawa sa kanya.

Doon pa lang pilit na siyang pinauuwi ng pagamutan kung saan siya nagtatrabaho. Nakiusap lamang siya na manatili habang hinihintay ang swab test sa kanya upang makumpirma na mayroon nga talaga siyang COVID-19.

Nanatili siya sa isang maliit na kwarto ng ospital habang hinihintay ang resulta ng swab test at nang malamang positibo nga talaga siya, pilit pa rin siyang pinauuwi.

Nagmakaawa siyang manatili pa rin gayung marami siyang mahahawa sa kanilang tahanan.

Tatlong mga anak, mga apo at asawa niya ang kanyang mga kasama sa bahay kaya naman ganoon nalamang ang pakiusap niya sa ospital na huwag na siyang pauwiin. Sa kasamaang palad, pinauwi pa rin siya.

Habang kausap niya sa Raffy Tulfo, kasalukuyan siyang nasa kwarto para kahit na paano ay ma-isolate sa iba pa niyang kasama sa bahay.

Labis-labis ang pag-aalala ni Myra lalo na at mayroon siyang mga batang kasama.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sinubukang tawagan ng programa ang ospital sa Caloocan ngunit hindi ito nagpaunlak ng kasagutan.

Ngunit ang alkalde ng lungsod na si Mayor Oca Malapitan ay agad na magpaparating ng tulong kay Myra.

Susunduin na umano siya upang madala sa quarantine facility ng kanilang lugar. Sasagutin na rin ng lungsod ang mga test na isasagawa sa pamilya ni Myra. Pati na rin ang disinfection ng kanilang lugar.

Nangako rin si tulfo na magpapaabot ng tulong sa pamilya ni Myra.

Nakalulungkot isipin na dumarami ang mga COVID-19 patient na nakararanas ng diskriminasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, isang nurse ang humingi rin ng saklolo kay Tulfo dahil pinabayaan din umano siya ng mismong ospital na kanyang pinapasukan matapos na magpositibo sila sa virus.

Ang ibang medical frontliners naman, nagagawang palayasin o ang masaklap ay ikulong ng mga taong "natatakot" lamang daw na mahawa sa kanila na posibleng carrier na ng virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel