Pinakamahal na face mask sa buong mundo, nagkakahalaga ng nasa ₱73.2 milyon

Pinakamahal na face mask sa buong mundo, nagkakahalaga ng nasa ₱73.2 milyon

- Nakakalula ang halaga ng tinaguriang pinakamahal na face mask sa buong mundo na umabot ng mahigit sa 70 million pesos

- Yari ito sa ginto at diyamante kaya naman hindi kataka-taka na umabot ng $1.5 million ang halaga nito

- May N99 filter daw ito kaya naman maari talagang magamit lalo na ngayong obligado halos ang lahat na magsuot ng mask bilang proteksyon sa COVID-19

- Isa raw Chinese na naninirahan sa Amerika ang may-ari nito na sinadya pa ang Israeli jeweler upang maisakatuparan ang kanyang bonggang face mask

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinakamahal na face mask sa buong mundo, nagkakahalaga ng nasa ₱73.2 milyon

Medical face mask (Photo form rawpixel)
Source: UGC

Mas mahal pa sa ilang bahay at kotse ang tinaguriang pinakamahal na face mask sa mundo na umabot sa 1.5 million dollars o aabot sa 73.2 million pesos.

Nalaman ng KAMI na isang art collector ang nagpasadya ng mamahaling face mask na ito.

Base sa ulat ng Reuters, isang Israeli jeweler ang namuno sa paggawa nito at tinatayang nasa 25 katao ang bumuo nito.

Yari sa 8-karat na ginto at nasa 3,600 piraso ng diyamante ang bonggang face mask na ito kaya naman hindi nakapagtatakang umabot sa mahigit 70 million pesos ang halaga nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi lamang mahal ang mask, ngunit masisiguro raw na maayos itong magagamit dahil mayroon itong n99 filter na mainam na proteksyon sa kasalukuyan nating laban kontra COVID-19.

Ayon pa kay Isaac Levy, may-ari ng Yvel Jewelry brand kung saan ginawa ang mask, isang Chinese na namamalagi sa Amerika ang nagmamay-ari ng pambihirang face mask na ito.

"Very charming, very outgoing, very wealthy and he likes to stand out so I guess this is one of his ways of doing that," Paglalarawan ni Levy sa nagpagawa ng mask.

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na may kakaibang face mask ang lumabas na napa-wow sa mga netizens.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang isang Indian businessman at nagpagawa rin ng mask na yari sa ginto at pinakitang talagang ginagamit niya ito.

$4,000 o nasa 198,000 pesos ang halaga nito at talagang hilig nito ang mga gintong alahas kaya naman naisipan niyang magpagawa na rin face mask na yari sa ginto.

Isa rin sa mga agaw-eksenang face mask ay ang gawa mismo ng Pinoy designer na si Mak Tumang.

Ang mask na ito ay inspired sa lava gown ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na siya rin naman ang gumawa.

Washable, breathable at water repellent ang naturang mask na nagkakahalaga ng mula sa ₱1,500 to ₱25,000.

Isa ang papgsusot ng face mask sa mga safety protocols na sinasabing mainam na proteksyon sa COVID-19. Sa darating na Agosto 15, mandatory na sa mga commuters ang pagsusuot ng face shields bilang karagdagang proteksyon lalo na kung sasakay sa mga pampublikong sasakyan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel