Mga labi ng pinatay na si Jang Lucero, naiuwi na ng pamilya nito

Mga labi ng pinatay na si Jang Lucero, naiuwi na ng pamilya nito

-Naiuwi na ng pamilya ni Jang Lucero ang kanyang mga labi sa Pasay matapos ang ilang linggo

-Nagpapasalamat ang pamilya dahil dito upang madalas na nilang madalaw ang puntod ng dalaga

-Nagpasalamat din ang ina ni Jang sa NBI at mga doktor na muli raw nagsagawa ng autopsy sa katawan ni Jang

-Kamakailan lang ay inalala rin ng pamilya ang ika-40 araw ng pagkamatay ni Jang na hanggang ngayon ay nananatili pa rin misteryo ang ugat ng brutal na pagpatay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Sa wakas ay naiuwi na ng pamilya ni Jang Lucero ang kanyang mga labi sa Pasay ayon sa ina nito na si Angela Lucero.

Sa pamamagitan ng Facebook Live ay ibinahagi ng ginang at ng kapatid ni Jang na si Rena Jamce Carmel Macion ang paglilipat sa mga labi ni Jang sa Pasay Cemetery.

Mga labi ng pinatay na si Jang Lucero, naiuwi na ng pamilya nito

Screen grab from Facebook
Source: Facebook

Nagpapasalamat ang pamilya dahil dito upang madalas na nilang madalaw ang puntod ng dalaga na unang nailibing sa Laguna kung saan ito natagpuang patay.

Nabanggit din ni nanay Angela na muling sumailalim sa autopsy ang katawan ni Jang at nagpasalamat ito sa NBI at mga doktor na nagsagawa nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Salamat sa panginuon na dininig niya ang dasal ko na mailipat na si Jang dito sa pasay cemetery salamat sa mga taong tumolong saamin at mga nitezen na walang tigil sa pag sigaw para sa hustisya para kay jang.

"Palagi nanamin siya madalaw kasi nandito na siya malapit saamin. Salamat sa mga NBI at sa doctor na nagautopsy ulit sa anak ko. Sanay masaya na siya ngayon at sana nakatawid na siya papuntang langit," ayon sa post nito.

Matatandaang inilapit ng pamilya Lucero ang kaso sa NBI noong nakaraang buwan at nangako naman ang mga ito na tututukan ang kaso.

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte raw ay nakasubaybay sa kasong ito ayon sa NBI.

Kamakailan lamang ay inalala rin ng pamilya ang ika-40 araw ng pagkamatay ni Jang na hanggang ngayon ay nananatili pa rin misteryo ang ugat ng brutal na pagpatay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jang Lucero ang 34-anyos na dalagang natagpuang tadtad ng 52 saksak sa loob ng kanyang kotse noong June.

Ayon sa pamilya nito, naniniwala silang may kinalaman ang nobya ni Jang na si Meyah Amatorio sa brutal na pagpatay rito.

Ngunit noong July 29, napabalitang dinukot ng limang 'di pa nakikilalang suspek si Meyah at hanggang ngayon ay nawawala pa. Natagpuan namang patay ang pamangkin nito na si Adrian Ramos malapit sa lugar kung saan nakita ang bangkay ni Jang.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel