Rest in peace: 40 days ni Jang Lucero, ginunita ng kanyang pamilya

Rest in peace: 40 days ni Jang Lucero, ginunita ng kanyang pamilya

- Ginunita ng kanyang pamilya ang ika-40 araw ng pagkamatay ni Jang Lucero, ang car pool driver na pinaslang noong June sa Laguna

- Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ng mga ito kung paano nila inalala ang pagkamatay ng dalaga

- Hiling nila ang kapayapaan para sa kaluluwa ni Jang na hanggang ngayon ay nanatiling misteryo ang ugat ng pagkamatay

- Ilang kakilala at mga netizens naman ang nakiisa sa pamilya na patuloy na naghihintay ng hustisya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ginunita ng kanyang pamilya ang ika-40 araw ng pagkamatay ni Jang Lucero, ang car pool driver na pinaslang noong Hunyo 28 sa Calamba, Laguna.

Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ng kapatid at ina nito ang kanilang pag-alala sa dalaga.

Rest in peace: 40 days ni Jang Lucero, ginunita ng kanyang pamilya

Photo from Rena Jamce Carmel Macion Facebook account
Source: Facebook

Hiling nila ang kapayapaan para sa kaluluwa ni Jang na hanggang ngayon ay nanatiling misteryo ang ugat ng pagkamatay.

"Hello nang ika 40 days mo na po ngayon kakatapos lang din po namin mag dasal. Sana po makatawid ka na papuntang langit Sana maging okay at masaya ka sa taas.
"Hindi pa man tapos yung kaso mo pero hinding hindi kami titigil lalaban kami para sayo. Mahal na mahal ka namin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Gabayan mo nalang kami nang ha. Gusto ka man namin dalawin kaso hindi namin magawa kasi ang layo mo samin wag ka magalala pag okay na lahat pwede ka na namin ilipat dito sa mas malapit samin. ILOVEYOUSOMUCH Robyn Jang Lucero Rest In Peace," ayon sa post ng kapatid nito na si Rena Jamce Carmel Macion.

Ilang kakilala at mga netizens naman ang nakiisa sa pamilya na patuloy na naghihintay ng hustisya.

"Sana makuha muna yung justice para sayo miss kana namin mga kaibigan mo."
"Hindi rin po kami mapapagod na mga netizens na ipanalangin na mahuli na ung mga may sala!"
"Lord hawakan nio po ang kamay ni jang papunta sa inyo paraiso... lord gabayan nio po ang knya pamilya lalo lalo na c mam angela."
"I love you ate jang naway makamit m na ang iyong hustisya."
"Maligayang paglalakbay jang Lucero ....sa pupuntahan mo Wala Ng mananakit sayo."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jang Lucero ang 34-anyos na dalagang natagpuang tadtad ng 52 saksak sa loob ng kanyang kotse noong June.

Ayon sa pamilya nito, naniniwala silang may kinalaman ang nobya ni Jang na si Meyah Amatorio sa brutal na pagpatay rito.

Ngunit noong July 29, napabalitang dinukot ng limang 'di pa nakikilalang suspek si Meyah at hanggang ngayon ay nawawala pa. Natagpuan namang patay ang pamangkin nito na si Adrian Ramos malapit sa lugar kung saan nakita ang bangkay ni Jang.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel