John Regala, na-discharge na sa ospital at patuloy na magpapagaling sa kanyang tahanan

John Regala, na-discharge na sa ospital at patuloy na magpapagaling sa kanyang tahanan

- Nakalabas na ng ospital ang aktor na si John Regala matapos ang mahigit isang linggong pamamalagi sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI)

- Makikitang may pinagbago na sa kanyang kalagayan mula nang makita siyang humihingi ng tulong sa Pasay City

- Maraming mga taga-showbiz ang nagmalasakit sa dating action star at maging ang dating misis niya ay isa rin sa mga nagpapaabot ng tulong kay John

- Nakausap na rin ni John ang anak niya sa unang asawa na tila nagbigay sa kanya ng kalakasan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

John Regala, na-discharge na sa ospital at patuloy na magpapagaling sa kanyang tahanan

John Regala (Photo From Facebook)
Source: Facebook

Nakauwi na mula sa ospital ang aktor na si John Regala matapos ang nasa walong araw na pamamalagi nito sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI).

Sa pagpapa-ospital ng action star, ilang test ang isinagawa sa kanya kaugnay ng mga iniindang karamdaman tulad ng liver cirrhosis, gout at diabetes.

Nalaman ng KAMI na bumubuti na ang lagay ng kilalang artista at ipagpapatuloy na lamang ang pagpapagaling sa kanyang tahanan.

Sa update na ibinigay ng entertainment columnist na si Aster Amoyo, kinumpirma nitong discharged na sa ospital ang aktor.

Nabanggit nitong dapat na manatili pa sana ng aktor ng ilan pang araw sa ospital ngunit mas minabuti na raw nito na umuwi na lamang.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nagpasalamat din ang kolumnista sa mga nagpaabot ng tulong kay John na siyang ginamit nilang pambayad sa hospital bills at iba pang kailangan nito.

Si Aster ang isa sa mga unang nagmalasakit na tulungan si John matapos na mag-viral ang kanyang larawan na humihingi ng tulong sa Pasay City.

Kasama ni Aster sina Nadia Montenegro, Lisa Dino-Seguerra at Chuckie Dreyfus na nag-asikaso sa pagpapa-ospital ni John.

Isa rin ang dating misis ni John na si Aurina Alvarez Manansala Hunt sa mga nagbigay ng tulong sa aktor.

Kahit na siya ay nasa Amerika, si Aurina pa ang kumuha ng tagapag-alaga kay John, masiguro lamang na mayroong mag-aasikaso sa aktor lalo na at nahihirapan ito sa kanyang kalagayan.

Kamakailan ay naging emosyonal ang naging pag-uusap nila sa programa ni Raffy Tulfo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang host ng naturang programa ay nagpabatid din ng tulong sa aktor nang makita ang kalagayan nito sa viral post.

Hiling ng marami na patuloy na gumaling ang sikat na action star ng dekada 90 lalo na at nagsabi siyang gustong-gusto pa sana niyang bumalik sa showbiz ngunit tinamaan naman siya ng kanyang karamdaman.

Isa sa mga pinakahuling proyekto ni John bago siya magkasakit ay ang FPJ Ang probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel