Walang itinira! Ilang kabahayan sa Quezon City, inanod ng tubig-baha

Walang itinira! Ilang kabahayan sa Quezon City, inanod ng tubig-baha

- Kalunos-lunos ang napanood sa isang video na kuha ng isang residente sa Kamuning sa lungsod ng Quezon

- Makikita sa naturang video ang pagtangay ng tubig-baha sa ilang kabahayan sa gilid ng isang creek sa lugar

- Tinatayang nasa mahigit 40 na pamilya ang naapektuhan at nawalan ng tirahan

- Pangamba naman ng mga biktima ang pagkahawa sa COVID-19 lalo pa at sa mga modular tents lamang sila pansamantalang tumutuloy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Walang natira at kalunos-lunos ang sinapit ng ilang kabahayan sa Kamuning sa lungsod ng Quezon nitong Sabado, matapos anurin ng tubig-baha dulot ng bagyong Enteng.

Sa video na kuha ng residenteng si Melanie Santiago, makikita pa ang pagtangay ng tubig sa mga kabahayan sa gilid ng isang creek sa lugar.

Walang itinira! Ilang kabahayan sa Quezon City, inanod ng tubig-baha

Screen grab from Stand For Truth
Source: Facebook

Dinig pa ang pagtangis ng kumuha ng video dahil sa pangyayari.

Ayon sa report ng Stand For Truth, tinatayang nasa mahigit 40 na pamilya ang naapektuhan at nawalan ng tirahan at pansamantalang tumutuloy sa isang evacuation center.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nangangamba naman ang mga biktima sa posibleng pagkahawa sa COVID-19.

Pero ayon sa kapitan ng barangay, siniguro nilang na-disinfect ang lugar bago ito tuluyan ng mga biktima.

Namigay na rin daw sila ng mga face masks at vitamins para sa mga ito.

Nananawagan naman ang mga biktima ng tulong upang may malipatan sila dahil sa mga modular tents lamang sila tumutuloy ngayon.

Ayon sa Department of Health, 8016 na ang bilang ng nagpositibong kaso ng COVID-19 sa lungsod batay sa isang Facebook post ng QC Government ngayong araw, August 12.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakapagtala naman ng 143,749 total cases ng COVID-19 sa bansa hanggang ngayong araw ayon sa report ng DOH.

Mula rito ay mayroon nang 68,997 recoveries sa bansa matapos makapagtala ng 636 recoveries ngayong araw. Habang umabot naman sa 2,404 ang kabuuang bilang ng nasawi dahil sa virus.

Samantala, nagbigay naman ng pahayag ang DOH kaugnay ng COVID-19 vaccine na mula sa Russia.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel