50% ng mga public schools sa NCR, gagamiting quarantine facility

50% ng mga public schools sa NCR, gagamiting quarantine facility

- Kinumpirma ng Palasyo na magagamit bilang isolation facility ng mga COVID-19 patients ang mga classrooms ng Metro Manila

- Tinatayang 50% ng mga silid-aralan ng pampublikong paaralan sa National Capital Region ay magagamit gayung wala pang face-to-face class na magaganap sa rehiyon sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24

- Tinaguriang COVID-19 epicenter ng Pilipinas ang Metro Manila kaya naman malabong papasukin pa ang mga bata sa mismong paaralan

- Kung magkakaroon na ng vaccine, pinakamaaga na ang Enero 2021 sa pagbabalik ng mga estudyante sa kanilang paaralan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

50% ng mga silid-aralan ng mga public school sa NCR, gagamiting quarantine facility

NCR classroom (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Gagamiting quarantine facility ang nasa 50% ng mga classrooms ng mga pampublikong paaralan ng National Capital Region.

Nalaman ng KAMI na mismong si presidential spokesperson Harry Roque ang nagkumpirma nito at aprubado na ito ng Malacañang ngayong Agosto 12.

"The Palace confirms that 50% of public school classrooms in the National Capital Region (NCR) will be used as temporary quarantine facilities as negotiated and agreed by both the Department of Education and the Department of Health,” pahayag ni Roque.

Ito ay dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng COVID-19 sa bansa at may kasalukuyan na itong bilang na 143,749 habang 72, 348 naman ang active cases.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nilinaw din ni Roque na walang magaganap na face-to-face classes sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24 kaya naman magagamit pa ang mga silid-aralan bilang isolation facilities

Blended learning ang inaasahang gagawin bilang bahagi ng 'new normal' sa edukasyon simula Agosto 24 kung saan ang mga bata ay mag-aaral online, o gamit ang mga telebisyon at radyo gayundin ang mga learning modules na ipamamahagi sa kanila.

Tinaguriang COVID-19 epicenter na ng bansa ang Metro Manila na halos kalahati ng kabuuang bilang ang tinamaan ng virus.

Ito rin ang dahilan kung bakit kasalukuyang nasa ilalim ang rehiyon sa modified enhanced community quarantine.

Samantala, sinisimulan na rin ng pamahalaan ang paglilipat sa quarantine facilities ng mga mild at asymptomatic COVID-19 patients na ang mga bahay ay hindi nila maaring maging isolation area at baka makahawa sa ibang miyembro ng pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa Inquirer, pahihintulutan lamang na umuwi ng mga mild at asymptomatic patients na makauwi kung mayroon silang isolation room na makalalayo pa rin sa kanilang pamilya at mayroon ding sariling palikuran.

Tanging ang mga severe at critical COVID-19 cases lamang ang tatanggapin sa mga ospital gayundin ang mga may underlying health conditions na siyang mabilis mahawaan ng kinatatakutang respiratory disease.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel