COVID-19 frontliner, pumanaw bago pa man makuha ang inaasahang hazard pay

COVID-19 frontliner, pumanaw bago pa man makuha ang inaasahang hazard pay

- Ibinahagi ng isang netizen ang sinapit ng kanyang nanay na COVID-19 frontliner

- Aniya, bago pa man makuha ng nanay niya ang inaasahang hazard pay nito ay pumanaw na siya

- Hindi rin umano pinayagang magpa-swab test ang nanay niya kahit na nagkaroon ito ng exposure sa COVID-19 patient

- Sa ngayon ay nagluluksa pa rin ang anak sa pagkawala ng kanyang ina sa gitna ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang netizen na anak ng COVID-19 frontliner ang nagkwento ng mga dinanas ng nanay niya bago ito pumanaw.

Nalaman ng KAMI na matagal nang hinihintay ng nanay niyang nurse ang hazard pay nito.

COVID-19 frontliner, pumanaw bago pa man makuha ang inaasahang hazard pay

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa Facebook post ni Joie Cruz, ang nanay niya at mga kasamahan nito ang umaasa sa kanilang hazard pay na pinangako ng gobyerno.

“A few months before my mom passed away, she's been telling me about how long she and her co-nurses had been waiting for their COVID hazard pay,” aniya.

Inaasahan nila na aabot sa P30,000 ang COVID-19 hazard pay dahil sabi umano ng Department of Health ay P500 per day ang bayad dito. Subalit, pumanaw na ang nanay ng netizen bago pa nito nakuha ang hazard pay niya.

“My mom died before she even got her hazard pay,” sabi ni Joie.

Nang asikasuhin ng anak ang mga dokumento ng nanay niya, nalaman niyang dumating na ang hazard pay nito pero mula sa inaasahang P30,000 ay nasa P7,000 lang umano ang dumating sa loob ng 41 araw na pagpasok nito sa trabaho. Naging P150 na lang daw kada araw ang hazard pay.

“This issue is not about monetary value. This issue is about how governments lie and how we take for granted and exploit our frontliners in the face of this pandemic,” sabi nito.

“This issue is about how my mom was treated way way below than what she deserves in a local public hospital where she worked in for more than 10 years - the first 4 years of those were without any salary,” dagdag pa nito.

Bukod sa tagal ng hazard pay, hindi rin umano nabigyan ng swab test ang nanay niya kahit na ito ay nagkaroon ng exposure sa isang COVID-19 patient.

“We're just going through our grieving process, but to the people who played a key role in denying my mom a swab test after she was exposed to a COVID-19 patient and who angrily cursed on my mom after I commented on a local politician's post last March that she and her co-workers were not given supplies and PPEs, we forgive you,” aniya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Habang papataas ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa, marami ring mga medical frontliners ang tinatamaan ng sakit na ito.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang nurse nga ang nagkunwaring may sintomas siya ng COVID-19 para lang ma-test. Subalit, nagulantang ito nang magpositibo ang resulta ng test.

Samantala, isang forntliner naman ang nagreklamo matapos umano siyang pabayaan ng ospital na pinapasukan niya mula noong magpositibo siya sa COVID-19.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel