Face shield ‘scam’, nagdulot ng trapik dahil sa mga naging biktima nito

Face shield ‘scam’, nagdulot ng trapik dahil sa mga naging biktima nito

- Kumalat na nga ang diumano’y scam ngayon sa pagbebenta ng face shield

- Kwento ng isang pulis, nagdulot pa ng trapik ang mga naging biktima ng face shield scam

- Ibinahagi rin ng pulis na maaaring isang malaking sindikato ang nasa likod ng scam na ito

- Nagbigay naman ng babala ang mga awtoridad sa nasabing modus na ito ng mga mapagsamantala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kamakailan nga ay nagsabi ang pamahalaan na kailangan nang magsuot ng face shield sa mga pampublikong sasakyan.

Nalaman ng KAMI na naging mabenta nga ang face shield ngayon at pinagsamantalahan nga ito ng ibang mga Pinoy.

Face shield ‘scam’, isiniwalat ng awtoridad ang ginagawang modus ng diumano’y sindikato sa likod nito

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa ulat ng GMA News Online (ulat ni Julia Mari Ornedo), nagkaroon ng trapik sa kahabaan ng Ortigas Avenue kamakailan lang dahil sa diumano’y scam sa face shield.

Sabi ni San Juan police chief Police Colonel Jaime Santos, ang mga biktima umano ng scam ang naging dahilan ng trapik.

“Ang dahilan daw kaya sila nando’n ay dahil meron silang ka-deal sa face shield. Ito nga po ‘yung scam ng face shield,” aniya.

“It turned out na sila pala ay nakipag-deal ng milyon milyon na hindi natuloy,” dagdag pa nito.

Kwento pa ng pulis, maaaring isang malaking sindikato ang nasa likod ng modus na ito. Magkasabwat naman ang supplier at buyer sa scam na ito.

Ang modus daw ay may taong maghahanap ng supplier ng milyon-milyong halaga ng face shield. Ang biktima ay magsisilbing middleman at maghahanap ng supplier para sa buyer.

Magbibigay pa umano ng downpayment ang buyer sa middleman para ibayad ito sa supplier. Subalit, kapag magkikita na sa lugar ay hindi sisipot ang supplier.

“Tumawag ngayon ‘tong si buyer ng pulis kunwari. Takot na takot si middleman. ‘O sige, para hindi kita ipakulong, bayaran mo na lang kahit kalahati.’ So kung 500,000 ‘yung dinown ko, bayaran mo ko ng P250,000,” sabi ng pulis.

Aminado naman ang Department of Trade and Industry sa scam na ito. Kaya naman, hinakayat ng DTI na bumili sa mga lehitimo at rehistradong online shop para hind imaging biktima ng scam.

“‘Yan ‘yung mga more or less legit kasi hindi sila magpaparehistro kung ayaw nila magpahanap, ‘di ba?” sabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naging mas mabenta ang face shield ngayong patuloy ang pagdami ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Naglabas ng anunsyo ang Department of Transportation (DOTr) na kakailanganin na ang pagsuot ng face shield sa mga pampublikong sasakyan bukod pa sa face mask.

Samantala, sinabi naman ni Interior Secretary Eduardo Año na mas maiging magsuot ng face shield o face mask sa loob ng bahay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel