Pamilyang naka-quarantine, pinadadalhan ng 'ayuda' ng mababait na kapitbahay

Pamilyang naka-quarantine, pinadadalhan ng 'ayuda' ng mababait na kapitbahay

- Marami ang humanga sa post ng isa sa miyembro ng pamilyang kasalukuyang naka-quarantine

- Imbis na pandirihan o katakutan, patuloy silang binibigyan ng pagkain ng kanilang mabubuting kapitbahay

- Mayroon pang nagpaskil sa kanilang bintana ng nakakataba ng puso ng mensahe na labis na ikinatuwa ng pamilyang naka-quarantine

- Taos-pusong nagpapasalamat ang pamilya sa kabutihan ng kanilang mga kapitbahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pamilyang naka-quarantine, pinadadalhan ng 'ayuda' ng mababait na kapitbahay

Tulong sa pamilya ni Sky Gatdula (Photo from Facebook)
Source: Facebook

Kahanga-hanga ang kabutihan ng puso ng mga kapitbahay ng isang pamilya na naka-home quarantine.

Nalaman ng KAMI na ang father-in-law ng netizen na si Sky Gatdula ay nagpositibo sa COVID-19, dahilan para sila ay ma-isolate at mahigpit na hindi lumalabas ng kanilang tahanan.

Ngunit imbis na pandirihan, dinagsa pa sila ng tulong mula sa kanilang mga mababait at maunawaing kapitbahay.

Kwento ni Sky sa kanyang post, isang linggo na silang naka-isolate at nakatatanggap naman ng tulong mula sa kanilang pamilya at mga kaibigan.

Ngunit ang labis na nakakataba ng kanilang puso ay ang di inaasahang tulong mula sa kanilang mga kapitbahay.

"We have daily food from our relatives pero nakakatuwa na may “ayuda” din kami from our neighbors na willingly extending their hands to us," bahagi ng post ni Sky.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Magugulat na lamang siya at may magpapadala sa kanya ng mensahe na may pagkaing iiwan o anumang tulong sa upuan sa labas ng kanilang bahay.

Iyon pala ay mula sa kanilang mga kapitbahay na nagmamalasakit sa kanila.

Ang isa sa mga naka-agaw din ng pansin kina Sky ay ang mensaheng ipinaskil ng isa nilang kapitbahay sa kanilang bintana.

"Praying for the whole family" ang nakasulat dito.

"Nakakatouch at nakakaiyak, salamat po! Our whole family appreciates the support, my parents in law are thankful for all the help, may God bless everyone po!" pahayag ni Sky na labis labis ang saya sa kabutihang ipinakikita ng mga kapitbahay.

Malaking bagay ito na maramdaman nilang hindi sila kinatatakutan pinandidirihan o ang masaklap ay ang itaboy pa sila.

Masasabing maswerte ang pamilya ni Sky sa kinabibilangan nilang komunidad na may malawak na pang-unawa at naiintindihan ang pinagdaraanan ng kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Habang ang iba na kumpirmadong may virus o may sintomas pa lamang, pilit pang pinaalis sa tinitirahan o ang iba ay nagagawa pa silang ikulong.

Mapalad ang pamilya ni Sky na patuloy ang dagsa ng tinatawag niyang 'ayuda' mula sa mabubuting tao na bagaman at dumaraan din marahil sa matinding krisis ay marunong pa ring magbahagi ng kung anumang meron sila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel