Mga cellphone para sa online class ng mga bata sa Mindanao, napalitan ng bato

Mga cellphone para sa online class ng mga bata sa Mindanao, napalitan ng bato

- Masama ang loob ng isang netizen na nagpadala ng mga cellphone para sa mga mag-aaral sa Mindanao

- Inabot daw ng isang buwan at hindi pa rin nakararating sa destinasyon ang kanyang mga donasyon

- Kaya naman minabuti niyang ipabalik na lamang ang kanyang mga padala upang malaman na rin ang estado nito

- laking gulat niya nang makitang pinalitan na ng mga bata ang dapat na cellphone na laman para sana sa mga batang mag-aaral simula sa Agosto 24

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mga cellphone para sa online class ng mga bata sa Mindanao, naging bato
Cellphone na napalitan ng bato (Photo from Facebook)
Source: Facebook

Naglabas ng sama ng lob sa social media ang netizen na si GP Jasmin patungkol sa nangyari sa mga cellphone na donasyon sana nila para sa ilang batang mag-aaral sa Mindanao.

Nalaman ng KAMI na may katagalan bago ma-deliver sa dapat na destinasyon ang mga gadget na magagamit daw sana ng mga bata para sa kanilang online classes na pormal na magsisimula sa Agosto 24.

Dahil umabot na raw sa isang buwan at hindi pa rin natatanggap ng kanila dapat na pagbibigyan ang mga cellphone, minabuti niyang ipabalik na lamang sa kanya ang kanyang mga padala.

Naibalik naman lahat ito ngunit laking gulat niya nang makitang bato na ang laman ng mga kahon ng cellphone at wala na ang mismong mga unit nito.

"Binabawi lang natin yung karapatan ng batang gustong mag aral sa gitna ng pandemya," pahayag ni GP

"This is my package bound for Mindanao para sa mga bata mag oonline class. It took more than 1 month to be delivered so I triggered the return to sender. Pagkabalik, eto na ang laman," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Lakas loob din niyang pinangalanan niya ang dalawang shipping/delivery company na sinasabi niyang responsable sa pangyayaring ito.

Narito ang kabuuan ng post.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakapanghihinayang na ilang bata ang magkakaroon na sana ng gadget na kanilang magagamit sa pagbubukas ng klase sa darating na Agosto 24.

Bagaman at may mga modules naman na ipamamahagi para sa mga mag-aaral na walang gadgets, ninanais pa rin ng iba na sila mismo ay makasabay sa 'new normal' ng edukasyon.

Samantala, nakalulungkot ding isipin na dumarami ang mga napapabalitang nagiging problema ng mga delivery services sa bansa.

Sila pa naman ang inaasahan ng karamihan sa panahon ng pandemya at ang ilan ay pinili pa ngang maging delivery riders matapos na mawalan ng dati nilang hanapbuhay.

Ngunit, may ilan naman sa kanila ay nakagagawa pa rin ng kabutihan para sa mas higit na tinamaan ng krisis na dala ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel