Karpinterong walang maipakain sa pamilya, nahuli nang lumabas para bumale sa amo

Karpinterong walang maipakain sa pamilya, nahuli nang lumabas para bumale sa amo

- Marami ang naantig ang puso sa kwento ng isang karpintero na nag-viral sa social media

- Hinuli ang naturang karpintero dahil bawal daw lumabas sa kanilang lugar noong Linggo kaya naman nabigyan siya ng ticket ng kanyang violation

- Napag-alamang lumabas lamang siya para bumale sa kanyang amo dahil wala na siyang maipakain sa kanyang pamilya

- Maging ang uploader na nakasabay niya sa City hall ng Navotas ay naawa sa sitwasyon ng karpintero kaya pilit niya itong inabutan ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Karpinterong walang maipakain sa pamilya, nahuli nang lumabas para bumale sa amo

Karpintero sa Navotas City (Photo from Facebook)
Source: Facebook

Mabilis na nag-viral ang post ng isang netizen patungkol sa karpinterong kanyang nakasabay sa Navotas City Hall.

Nalaman ng KAMI na may itatanong lamang ang uploader na si Cristel Ygoña ngunit nang usisain niya ang karpinterong nakasabay, nalaman niyang may violation ito.

Lumabas daw kasi ang karpintero noong Linggo upang bumale sa kanyang mo. Wala na raw kasi talaga silang makain ng kanyang pamilya kaya napilitan siyang lumabas ng kanilang tahanan.

Subalit, bawal daw lumabas sa kanilang lugar sa mga oras na iyon kaya naman nabigyan siya ng ticket dahil sa sinasabing violation.

"Habang nasa pila nakatitig lang sya sa ticket nya." kwento pa ni Cristel.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ramdam daw niya ang hirap ng kalooban noon ng karpintero dahil ang perang nabale sa kanyang amo ay magiging pambayad lamang niya sa tiket. Pambili sana nila ito ng bigas at iba pang makakain ng kanyang pamilyang kumakalam na ang mga sikmura.

Alam daw ni Cristel na totoo ang kwento ng karpintero at hindi ito nagpapaawa lamang dahil nang binigyan niya raw ito ng tulong, pilit itong tumatanggi.

Hinabol pa raw niya ito para ipilit ang tulong na kanyang ibinibigay.

Hindi man niya nakuha ang pangalan ng karpintero ngunit ginagawa raw niya ang lahat upang mahanap ito.

Mula kasi nang mag-viral ang kanyang post, marami na rin ang nagtatanong ng kinaroroonan ng karpintero upang maabutan siya at ang kanyang pamilya ng tulong.

Katunayan, sa huling update ni Cristel tungkol sa karpintero, may ilang makakatulong sa kanya upang malaman ang address nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agosto 4 nang sumailalim na naman sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila kaya kasama na rito ang Navotas na kinaroroonan ng karpintero.

Hindi lamang naging malinaw kung anong violation ang nagawa nito sa ilalim ng MECQ. Mapapansing may mask naman ito at may face shield pa kaya naiisip ng marami na baka wala itong quarantine pass.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel