Netizen, nag-viral nang literal na sundin ang pagsuot ng face mask sa bahay

Netizen, nag-viral nang literal na sundin ang pagsuot ng face mask sa bahay

- Tampok sa social media ngayon ang isang lalaki dahil sa paggamit niya ng face mask

- Sa kanyang social media post, kita nga na sinunod ng lalaki ang payo ng gobyerno na magsuot ng face mask kahit nasa loob ng bahay

- Subalit, literal namang ginawa ito ng lalaki kaya kahit naliligo siya ay suot niya ang face mask

- Agad namang nagreact ang mga netizens sa kakaibang ginawa ng lalaking ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agad naging viral sa social media ang isang netizen dahil sa kanyang literal na pagsunod sa naging pahayag ni Interior Secretary Eduardo Año.

Nalaman ng KAMI na talagang sinuot ng lalaki ang face mask sa loob ng bahay nila, kahit nasa banyo.

Netizen, nag-viral nang literal na sundin ang pagsuot ng face mask sa bahay

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Joma Beliganio, nang makita niya na sinabi ni Sec. Año na dapat ay magsuot ng face mask kahit sa bahay ay sinunod niya kaagad ito. Kaya naman habang suot ang face mask ay naligo siya at nagsipilyo.

Ang mga netizens naman ay natawa sa ginawang pampa-good vibes ng lalaki. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Alam kong Sarcasm lang to. Pero ang OA”
“anong ginagawa mo,,,,, HAHHAHAHA”
“hahahaha... nakamask pati panagtoothbrush na”
“Sana all may common sense..”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil sa banta ng COVID-19 sa bansa, mahigpit na ipinapatupad nga ang pagsusuot ng face mask ngayon lalo na kapag lalabas ng bahay.

Subalit, kamakailan ay sinabi ni Secretary Año na dahil pami-pamilya na ang nagkakaroon ng coronavirus disease ay mas maiging magsuot ng face mask sa bahay.

Bukod sa face mask, nagsabi rin ang Department of Transportation na dapat ay may suot din na face shield ang mga taong sasakay sa pampublikong transportasyon para mas maging ligtas sa byahe.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel