Bb. Pilipinas candidate, masayang nagtitinda ng fish ball para makatulong sa pamilya

Bb. Pilipinas candidate, masayang nagtitinda ng fish ball para makatulong sa pamilya

- Hinangaan ang isa sa mga Binibining Pilipinas 20202 candidate na matapang na nagbahagi ng kanyang pinagdaraanan sa buhay

- Hindi nito ikinahiya ang kanyang nakaraan at maging ang kanyang pagtatrabaho sa murang edad at pinagmamalaki niya

- Isa rin siya sa mga sinubok ng COVID-19 matapos na maging isang person under monitoring ngunit nalampasan naman niya ito

- Dala ng matinding krisis, naisipan niyang magtinda ng fish ball at iba pang merienda upang masuportahan ang kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bb. Pilipinas candidate, masayang nagtitinda ng fish ball para makatulong sa pamilya

Kimberly Anne Tiquestiques (Photo from Facebook)
Source: Facebook

Umani ng papuri ang Binibining Pilipinas candidate na si Kimberly Anne Tiquestiques dahil sa buong tapang niyang pagbabahagi ng kwento ng kanyang buhay.

Dahil sa kinakaharap na pandemya, kakaibang preparasyon ang isinasagawa ng nga Binibining Pilipinas 2020 candidates ngayon at isa na rito ang pagkakaroon ng video na nagpapakita ng kani-kanilang life stories.

Nalaman ng KAMI na tubong Bulacan si Kimberly at panganay sa magkakapatid. Hindi niya ikinahiya na produkto siya ng broken family at kasalukuyan silang kasama ng kanilang ama.

Maaga siyang nagsimulang magbanat ng buto. Malaking bagay na siya ay amatangkad kaya naman sa edad na 16, nakapag-trabaho na siya sa isang fast food chain at nagsimula na rin ang modeling career niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Pangarap niya talaga ang maging isang beauty queen, kaya naman isang napakalaking simula ng tagumpay na maituturing nang makuha niya ang titulo na Binibining Bulacan-Pilipinas 2019.

Ito ang naging daan upang siya ay mabigyan ng pagkakataong makapasok sa Binibining Pilipinas.

Isa sa mga rebelasyong naikwento ni Kimberly ay ang pagiging isang person under investigation noong Marso.

Tila nakaramdam daw siya umano ng ilang sintomas ng COVID-19 at dahil dito sumailalim sa 14 na araw na isolation si Kimberly. Nalampasan naman niya ang pagsubok na ito.

Ngunit aminado ang pambato ng Bulacan na maging ang kanilang pamilya ay apektado ng krisis na dala ng COVID-19.

Kaya naman hindi siya nagdalawang isip na magtinda ng fish ball, kikiam at iba pang merienda upang makatulong sa gastusin ng kanilang pamilya.

“Naisip ko magtindera ako. Nagtitinda ako ng fish balls at kikiam at iba pang merienda. Binalikan ko iyong pagtitinda ko nung high school ako. Kailangan ko talaga ng income para makatulong sa pamilya. Kailangang malagpasan natin ‘to,” pahayag mismo ni Kimberly.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa ang kwentong ito ni Kimberly na tumatak sa mga netizens. Kinakitaan siya ng katapatan at katatagan base na lamang sa mga patuloy niyang pinagdaraanan sa buhay.

Tulad ni Kimberly, diskarte at abilidad ang pinairal ng ilang mga kababayan nating labis na naapektuhan ng pandemya.

Kahit malayo na sa kanilang propesyon, iba't ibang hanapbuhay na ang pinapasok ng ilang sa atin, maipagpatuloy lamang ang pagsuporta sa pamilyang umaasa sa kanila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel