COVID-19 new cases ngayong araw, umabot sa halos 7,000

COVID-19 new cases ngayong araw, umabot sa halos 7,000

- Lampas 6,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Agosto 10

- Ang karagdagang kaso na ito ang siyang bumuo sa mahigit 130,000 nang kaso ng COVID-19 sa bansa

- Pinakamataas din ngayong araw ang naitala sa National Capital Region kung saan umabot na sa mahigit 4,000

- 633 naman ang nai-report na naka-recover habang may 24 naman na naitalang pumanaw dahil sa virus ngayong araw

COVID-19 (Photo from Wikimedia Commons)

COVID-19 (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Naitala ngayong araw, Agosto 10 ang pinakamataas na bilang ng karagdagang kaso ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na umabot ito sa 6,958 cases kung saan naitala rin ng National Capital Region ang pinakamataas na bilang na 4,163 sa loob lang ng isang araw.

Ayon pa sa datos na inilabas ng Department of Health, sumunod sa NCR ang Laguna na mayroong 400 new cases, Rizal na may 363, Cavite na may 312, at Bulacan na mayroong 178 na bagong kaso.

Ito ang bumuo sa kasalukuyang kabuuang bilang na 136,638 ng mga tinamaan ng naturang respiratory disease sa buong bansa.

91.6% sa mga ito ay pawang mga mild cases lamang habang 7.2% naman nito ay mga asymptomatic o hindi kinakikitaan ng anumang sintomas.

Mayroong 0.6% na kritikal at lumalaban para sa kanilang buhay at 0.6% din sa mga ito ang may severe cases.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, 633 naman ang nai-report na mga recoveries ngayong araw subalit mayroon ding 24 na mga sumakabilang buhay na.

Sa ngayon, mayroon ang Pilipinas na 66,186 na active cases habang ang kabuuan naman ng recoveries ay umabot na sa 68,159. 2,293 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.

Kasalukuyang nasa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila dahil sa hindi mapigilang paglobo ng dumadagdag na bagong kaso araw-araw.

Katunayan, halos dalawang linggo na hindi bumababa sa 3,000 ang karagdagang kaso sa loob lang ng isang araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa Metro Manila, kabilang din ang Cavite, Bulacan, Laguna, at Rizal sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ na tatagal hanggang Agosto 18.

Ayon naman sa Department of Transportation magiging mandatory na ang pagsusuot ng face shield simula Agosto 15 para sa mga commuters.

Bukod sa face mask, kailangang may suot din ang mga sumasakay sa pampublikong sasakyan ng face shield upang madoble ang proteksyon at mapigilan lalo ang paglaganap ng virus.

Isa ito sa nakikita nilang paraan upang mas lalong lumiit ang tsansa ng hawahan o transmission ng virus na malaki ang posibilidad na mangyari sa loob ng mga pampublikong sasakyan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel