Kawawa naman! 27-anyos na empleyado, binawian ng buhay nang sumabog ang oxygen tank
- Pumanaw ang isang empleyado matapos sumabog ang oxygen tank na inaasikaso nito
- Base sa imbestigasyon, sumabog ang tangke habang ito ay nire-refillan ng empleyado
- Lumabas din sa imbestigasyon ang iba pang impormasyon na maaaring naging sanhi ng pagsabog
- Ayon din sa Bureau of Fire Protection-Magarao ay kulang sa safety certificate ang establisimyento
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isang empleyado ang biglang binawain ng buhay dahil sa oxygen tank dahil sumabog ito.
Nalaman ng KAMI na agad pumanaw ang empleyado nang sumabog ang oxygen tank habang nire-refill niya ito.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News (isinulat ni Mylce Mella), nang sumabog ang tangke ay tinamaan ang ulo at paa ni Noli Imperial, 27 taong gulang.
"Nagkakarga ng oxygen doon sa tank ng acetylene. Ayun po bigla na lang sumabog kung saan tinamaan 'yung kanyang ulo at 'yung paa," ani Police Sr. Sgt. Freddie Brazil ng Magarao police station.
Dalawang taon na raw nagtatrabaho bilang assistant plant operator si Noli. Dahil sa lakas ng pagsabog, nabutas pa ang bubong ng planta.
Base naman sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection-Magarao, kinakalawang na umano ang tangke nang kargahan ito ng oxygen.
"It was a 12-pounder na tanke, nung pagdating namin doon, tiningnan naming 'yung cylinder medyo corroded na talaga siya. Lumang luma na,” sabi ni Fire Officer 1 Flynnjose Barrameda.
"Iyung valve switch ng cylinder naka-close siya. It is an indication na may laman na ng oxygen yung tangke. Tinitingnan namin na over all cause ay overloading nung tangke at sobrang luma na," dagdag pa nito.
Sabi naman sa record ng BFP-Magarao, hindi raw nabigyan ng fire safety inspection certificate ngayong taon ang building ng planta dahil kulang ito sa sprinkler system.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, nauna namang naibalita ng KAMI na isang pagsabog ang nangyari sa Beirut, Lebanon dahil sa agricultural fertilizer ammonium nitrate na matagal nang nakatago sa isang warehouse.
Isang Pinay OFW naman sa Lebanon ang nagbahagi ng mga sugat na tinamo niya matapos ang pagsabog na nangyari sa Beirut.
Bukod pa rito, isa ring Pinay na OFW ang natawagan pa ang asawa niya ilang oras bago ang pagsabog na naging sanhi ng pagpanaw niya.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh