Ginawang ulam! Isa sa mga viral ostrich, niluto umano matapos pumanaw nito

Ginawang ulam! Isa sa mga viral ostrich, niluto umano matapos pumanaw nito

- Nagbigay ng bagong update ang may-ari ng mga ostrich matapos pumanaw ng isa sa mga ito

- Sabi ng abogado ng may-ari, niluto raw ang pumanaw na ostrich at ginawang ulam

- Ang nagluto raw ay ang mga tauhan ng may-ari matapos niyang ipag-utos na ilibing ito

- Nanghinayang daw ang mga tauhan ng may-ari sa karne ng ostrich kung itatapon lang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kamakailan nga ay naging viral ang mga ostrich na nagsitakbuhan sa isang subdivision sa Quezon City.

Subalit, nalaman naman ng KAMI na matapos pumanaw ng isa sa dalawang ostrich ay may kakaibang ginawa ang may-ari nito.

Ginawang ulam! Isa sa mga viral ostrich, niluto umano matapos pumanaw nito
Photo from GMA News
Source: Twitter

Ayon sa Facebook post ng News5, kinumpirma ng abogado ng may-ari ng ostrich na niluto nga ang karne ng pumanaw na ostrich at ginawang adobo.

Sabi ni Atty. Charlie Pascual, nalaman na lang daw ng may-ari ng ostrich na ginawang ulam ang ostrich matapos niyang utusan ang mga tauhan niya na ilibing ito.

"Noong bumisita po si Mr. Cruz, ni-report po ng tao niya na sila ay nanghinayang sa karne noong ostrich,” sabi ni Atty. Pascual.

“Nabigla po si Mr. Cruz, wala naman po sa kanyang control. Nailuto po ng mga boy 'yung namatay na ostrich," dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agad naging viral sa social media ang mga video kung saan kita ngang pa-ikot-ikot sa subdivision ang mga ostrich matapos makawala ng mga ito.

Maging ang mga sikat na artista nga ay napa-comment sa viral video na ito. Naging trending din nga ang “Jumanji” matapos kumalat ng video na ito.

Subalit, naibalita namang ang isa sa dalawang ostrich ay pumanaw dahil sa “stress.” Pero, duda naman ang ibang animal rights group dito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel