Ilang magsasaka sa Cotabato, hinangaan sa paggawa ng bamboo face shield
- Hinangaan ang ilang magsasaka sa Cotabato na gumagawa ng mga face shield na yari sa kawayan
- Disenyo raw ito ng isang agricultural engineer para matulungan na rin ang mga local farmers na magkaroon ng hanapbuhay
- Malaking tipid din daw ito sa paggamit ng plastic na pangunahing materyal ng karaniwang face shield
- Maaring mabili ang mga bamboo face shield na ito sa Shopinas at maging sa Shopee
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umani ng papuri ang ilang magsasaka sa Cotabato na gumagawa ng mga face shield na yari sa kawayan.
Nalaman ng KAMI na disenyo ito ng isang agricultural engineer sa kanilang lugar na si Junroe Barrios.
Ayon pa sa ABS-CBN News, malaking bagay ang paggawa ng mga bamboo face shields na ito sa mga magsasaka dahil nagkaroon sila ng hanapbuhay sa gitna ng pandemya.
Eco-friendly ang mga face shields na ito dahil nasa 100 gramo ng plastic waste ang nababawas sa bawat piraso ng face shield na mabibili.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Dahil dito, malaking bagay ang paggamit ng kawayan sa plastic pollution na inaaksyunan na natin ngayon.
Maganda at matibay ang disenyo ng bamboo face shield na siguradong mapo-proteksyunan tayo sa patuloy na paglaganap ng virus.
"Lightweight at ultra-clear" daw ang mismong shield na ginagamit nila na hindi makahahadlang sa anumang gawain ng may suot nito.
Napakadali rin umano ng pag-disinfect nito dahil sa mga materyales na ginamit.
Mabibili ang Bambuhay Face shield sa Shopinas at Shopee sa halagang ₱150.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sadyang nakakabilib ang abilidad at diskarte ng mga Pilipino kahit pa humaharap tayo sa matinding krisis dala ng COVID-19.
Kamakailan ay nag-viral ang larawan ng katutubong mangyan dahil sa kanyang improvised face mask na yari sa bao ng niyog.
Dala marahil ng kalayuan ng kanilang lugar upang makabili ng aktwal at aprubadong face mask, naisip nitong gumawa bilang pagsunod na rin sa safety protocols laban COVID-19.
Bukod sa face maks, gumawa rin ito ng face shield na gamit naman niya upang matakpan ang mga mata.
Ayon sa Department of transportation, pagpatak ng Agosto 15, mandatory na ang pagsusuot ng face shields sa mga commuters.
Ito ay upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 sa mga pampublikong sasakyan. Patuloy pa rin ang pagpapatupad ng paggamit ng motorcycle barriers para sa mga mag-aangkas.
Bukod sa face shield, kinakailangan pa ring magsuot ng face mask para doble ang proteksyon.
Pinapaalala pa rin ang social distancing lalong-lalo na sa mga pampublikong lugar at laging pag-disinfect nasa loob man o labas ng bahay.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh