Ama, nananawagan upang makita ang 2 anak na 'di na nadatnan sa bahay

Ama, nananawagan upang makita ang 2 anak na 'di na nadatnan sa bahay

- Sa pamamagitan ng isang netizen, nananawagan ang isang matandang lalaki para muling makasama ang kanyang dalawang anak

- Batay sa kwento nito, hindi na raw nito nadatnan sa kanilang bahay ang dalawang anak na noon ay mga bata pa

- Kaya naman sa pamamagitan ng Facebook ay ibinahagi ng netizen ang larawan ng matandang lalaki at maging ang bahay nito upang makilala ng mga anak nito

- Maraming netizens naman ang naawa para rito at agad na ibinahagi ang post ukol dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Labis na nangungulila sa kanyang mga anak ang lalaking si Cenon Ribon ayon sa post ng netizen na si Evangeline Rance noong July 30.

Kaya naman sa pamamagitan ng social media ay nanawagan ito para makitang muli ang dalawang anak na sina Critopher at Annaliza Ribon.

Ama, nananawagan upang makita ang 2 anak na 'di na nadatnan sa bahay

Photo from Evangeline Rance Facebook account
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon sa post ng netizen, bata pa raw ang mga ito nang maiwan ni tatay Cenon. Pero nang bumalik daw ito sa kanilang bahay sa Mindoro ay hindi na raw nadatnan pa nito ang mga anak.

Nang marinig ang kwento nito ay agad na inalok daw ni Evangeline ang matandang lalaki na kunan ito ng larawan at maging ang bahay nito para makarating ang kanyang panawagan sa mga hinahanap na anak.

Agad naman daw itong pumayag sa pag-asang makapiling muli ang mga ito.

Maraming netizens naman ang naawa para rito at agad na ibinahagi ang post ukol dito.

Sa isa pang post ni Evangeline, sinabi nitong nakatira si tatay Cenon sa Lumbang West Cajidiocan Romblon at tinutulungan ng kanyang kapatid.

Pakiusap naman ng uploader, huwag daw sanang gawing biro ng ilan ang paghingi ng tulong ni tatay Cenon.

Nais lamang daw nito na makita muli an dalawang anak nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil sa awa kaya matindi ang pagnanais ng netizen na matulungan si tatay Cenon na muling makita ang dalawang anak.

Natural na sa ating mga Pinoy ang pagiging matulungin at maawain.

Katulad na lamang ng post ng isang netizen tungkol sa ginawang pagtulong sa kanya ng isang batang parking boy na talaga 'di nito inasahan.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel