KC Concepcion, ipinagluksa ang pagpanaw ng kanyang Mommyla

KC Concepcion, ipinagluksa ang pagpanaw ng kanyang Mommyla

- Ibinahagi ni KC Concepcion ang malungkot na balitang pumanaw na ang huling nabubuhay na biological grandparent niya

- Pinasalamatan ni KC ang kanyang lola na kanyang tinawag na Mommyla sa isang Instagram post

- Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa mga kaibigan at kasamahan ni KC sa showbiz

- Ang kanyang tinatawag na Mommyla ay ang ina ng kanyang amang si Gabby Concepcion

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinalita ni KC Concepcion sa kanyang social media followers ang malungkot na balita tungkol sa pagpanaw ng kanyang lola. Sa mensaheng kanyang ibinahagi, pinasalamatan ni KC ang kanyang lola na kanyang tinawag na Mommyla sa palagi umano nitong pagpapaalala tungkol sa kanilang pamilya.

"My last living biological grandparent passed this morning. Thank you for always reminding us of our family tree and for always keeping me close to the family, mommyla. Love you and will remember you and daddylo forever," ani KC sa kanyang post.

Kalakip ng nasabing mensahe, ibinahagi ng aktres ang litrato nilang mag-ama kasama ang kanyang Mommyla.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang kanyang tinutukoy ay ang ina ni Gabby Concepcion, si Maria Lourdes Concepcion Arellano. Ayon kay KC, ito na lamang ang pinakahuling natira sa kanyang mga biological grandparents.

Samantla, bumuhos naman ang pakikiramay mula sa mga kasamahan ni KC sa industriya.

Si KC ang panganay na anak ni Sharon Cuneta sa dating asawang si Gabby Concepcion. Matapos maghiwalay ng kanyang mga magulang, kinilala niya ring ama si Senator Francis Pangilinan. Nagtapos siya ng bachelor's degree in International Corporate Communications with a minor in Theatre Arts sa American University of Paris.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

KC Concepcion, ipinagluksa ang pagpanaw ng kanyang Mommyla

KC Concepcion Photo from Flickr.com
Source: UGC

Sa isang panayam, buong tapang na ibinahagi ni KC ang tunay na estado ng relasyon nila ng kanyang inang si Sharon Cuneta.

Kamakailan ay hindi napigilang maging emosyonal ng kanyang inang si Sharon Cuneta habang sinasagot ang tungkol sa pagkukumpara kay KC at Frankie Pangilinan.

POPULAR: Read more about KC Concepcion here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel