Landslide at malawakang pagbaha, nanalanta sa South Korea

Landslide at malawakang pagbaha, nanalanta sa South Korea

- Nagdulot ng pagbaha at landslide sa South Korea ang tuloy-tuloy na pag-ulan sa mga nakaraang araw

- Umabot sa 30 katao ang nasawi habang 12 ang nawawala ayon sa mga otoridad ng naturang bansa

- Nagsimula umulan doon nang tuloy-tuloy nitong buwan ng Agosto ngunit halos kalahati ng bilang ng nasawi ay naganap nitong nakaraang tatlong araw

- Umabot sa 6,000 katao ang inilikas mula sa kanilang tahanan bunsod ng pinsalang dulot ng baha at landslide

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot sa 30 katao ang nasawi sa South Korea kasunod ng malawakang pagbaha at landslide bunsod ng sunod-sunod na araw na pag-ulan. 12 naman ang naitalang nawawala pa ayon sa otoridad nitong Linggo.

Nagbabala din ang mga opisyal ng patuloy na pag-ulan.

Landslide at malawakang pagbabaha, nanalanta sa South Korea

Photo by Seung-il Ryu/NurPhoto via Getty Images
Source: Getty Images

Simula nang pumasok ang buwan ng Agosto ay tuloy-tuloy na umano ang pag-ulan. Ayon pa sa ulat ng Tribune, halos kalahati ng bilang ng pagkasawi ng ilang residente ay naganap nitong nakaraang tatlong araw lamang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Umabot sa 3,700 katao ang lumikas mula sa kanilang mga tirahan simula nitong Biyernes bunsod ng baha sa timog na bahagi ng bansa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kabuuan, umabot sa 6,000 katao ang inilikas mula sa kanilang bahay ngayong buwan at 4,600 sa mga ito ay nanatili sa mga temporary shelters.

Ang pagbaha ay isa sa kinakaharap na suliranin ng sangkatauhan sa kasalukuyan. Maging sa Pilipinas ay maituturing itong malaking suliranin lalo na kapag tag-ulan. Isang guro ang hinangaan ng marami matapos mag viral ang kanyang mga litrato na nagtuturo sa klase habang nakababad ang paa sa baha.

Hindi rin nagpapigil ang dalawang magkasintahan sa kanilang pagpapakasal kahit inabot pa ng baha ang loob ng simbahan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel