90-anyos na mister na pilit na nagpaalam sa misis na agaw-buhay dahil sa COVID-19, pumanaw na rin

90-anyos na mister na pilit na nagpaalam sa misis na agaw-buhay dahil sa COVID-19, pumanaw na rin

- Viral ang nakakaantig na video ng mister na nagpumilit magpaalam sa misis na agaw buhay dahil sa COVID-19

- Kahit ilang beses na pinigilan ito ng mga doktor, binalewala lamang ng mister ang paalalang maari siyang magkaroon ng naturang virus

- Suot ang personal protective equipment, pinahintulutan ang mister at maayos itong namaalam sa kanyang misis na kasa-kasama niya sa loob ng tatlong dekada

- Makalipas ang tatlong linggo, yumao na rin ang mister dahil din sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

90-anyos na mister na pilit na nagpaalam sa misis na agaw-buhay dahil sa COVID-19, pumanaw na rin
Sam and JoAnn Reck (Photo from Scott Hooper Facebook)
Source: Facebook

Mala-Romeo and Juliet ang kwento ng 90-anyos na si Sam Reck at misis nitong si JoAnn sa huling sandali nila sa mundo.

Nalaman ng KAMI na nag-viral si Sam matapos na maibahagi ang video nito na nagawa pang mamaalam sa noo'y agaw buhay nang si JoAnn na tinamaan ng COVID-19.

Ayon sa Lad Bible, nasa tatlong dekadang magkasama ang dalawa at ang pinaka naghiwalay sa kanila ay nang magpositibo sa COVID-19 ang 86-anyos na misis.

Lalo na sa kanyang edad, mahigit na pinagbabawalan si Sam na bumisita sa kanyang misis dahil mabilis na siyang mahahawa rito.

Ngunit nang dumating na ang araw na tila bilang na lamang ang oras ni JoAnn, nagpumilit si Sam na makausap ito sa huling sandali.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pinipigilan pa siya ng mga doktor ngunit wala nang nakahadlang pa kay Sam.

Suot ang kanyang personal protective equipment, nakausap pa ng mister ang kanyang pinakamamahal na asawa bago ito malagutan ng hininga.

Ayon pa sa panayam kay Sam matapos ang pangyayaring ito, wala siyang pinagsisisihan sa kanyang pagpunta kay JoAnn na may COVID-19 at nasabi pa niyang "very happy" siya na napagbigyang mangyari ito.

Subalit, tatlong linggo lamang matapos na pumanaw ang misis, sumunod na rin si Sam na noo'y nagpositibo rin sa COVID-19.

Maging ang anak ni JoAnn sa una nitong asawa ay humanga sa pag-iibigan ng ina at ni Sam kaya naman nagbigay pugay siya sa mga ito na maging ang kamatayan ay di sila pinagwalay.

Bukod sa krisis na dala ng COVID-19, maraming pagsasama rin ang sinubok nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami rin naman ang masayang nalampasan ang bagsik ng COVID-19 na nagpatunay ng katatagan ng kanilang pagsasama at relasyon.

Patunay lamang na sa anumang sitwasyon, saanmang panig ng mundo ang isa ay naroon, namumutawi pa rin ang pag-ibig at pagmamahal gaano man kahirap ang kinahaharap na sitwasyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel