Mahigit 500 katao sa Cotabato, hinahanap para sa contact tracing

Mahigit 500 katao sa Cotabato, hinahanap para sa contact tracing

- Umabot sa 555 katao ang hinahanap para sa contact tracing matapos magpositibo ang isang seaman sa Cotabato

- Buwan ng Enero nang unang dumating sa Pilipinas ang naturang seaman ayon sa ulat

- Nakaranas siya ng mga simtoma ng COVID noong August 1 ngunit pumunta pa ito sa burol ng isang kamag-anak

- Kasalukuyang nananatili sa isang isolation facility ang seaman habang isinasagawa ang contact tracing

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang seaman ang ngayon ay nanatili sa isang isolation facility matapos mag positibo sa COVID-19. Umabot sa 555 katao ang hinahanap bilang bahagi ng isinasagawang contact tracing.

Ang lalaking nagpositibo ay isang seaman na umuwi sa Koronadal, South Cotabato noong Enero ngayong taon.

Ayon sa ulat ng “24 Oras Weekend” nitong Linggo, nakaramdam ng ilang simtoma ang lalaki nitong unang araw ng Agosto ngunit nakapunta pa ito sa lamay ng isang kamag-anak sa Tupi.

Dumalo din siya sa isang church service kinabukasan sa kabila ng mga pananakit ng kanyang kasu-kasuan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pumunta siya sa isang hot spring kasama ang mga kaibigan noong August 3 at sumailalim sa check-up at laboratory test nang sumunod na araw.

Normal naman umano ang mga naging resulta.

Pumunta din siya sa barangay health station noong August 5 upang humingi ng medical certificate.

Kabilang pa sa kanyang mga pinuntahang lugar ay City Health Office, police station, at City Hall upang kumuha ng travel certificate. Pumunta din siya sa banko, car wash, burger place, drugstore at sa isang mall.

Mahigit 500 katao sa Cotabato, hinahanap para sa contact tracing

API via Getty Images
Source: Getty Images

Matatandaang nagpatupad ng enhanced community quarantine para sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Layon ng quarantine na maiwasang patuloy na magkahawa-hawa ang coronavirus sa mas marami pang tao.

Ang COVID-19 o Corona Virus Disease ay sanhi ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV-2). Unang nakapaminsala sa tao ang virus na ito noong 2019 sa Wuhan, ang capital ng Hubei province sa central China. Sa kasalukuyan, unti-unti nang nakakabawi ang China mula sa dagok na dala ng pandemic na ngayon ay namiminsala na rin sa maraming bansa kabilang na ang Pilipinas.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Kamakailan ay naungusan na ng Pilipinas ang China sa dami ng kumpirmadong kaso ng COVID. Samantala, nagbabala ang World Health Organization na maaring tumagal pa ang pandemyang dulot ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel