Katutubo sa Mindoro, hinangaan sa suot nitong face mask na yari sa bao ng niyog

Katutubo sa Mindoro, hinangaan sa suot nitong face mask na yari sa bao ng niyog

- Viral ngayon ang post ng isang netizen na nagpapakita ng kakaibang mask ng isang katutubo

- Yari kasi ang face mask sa pinakinis na bao ng niyog na kayang takpan ang ilong at bibig ng Mangyan

- Hinangaan ang katutubong nasa larawan dahil sa pagiging madiskarte nito at sinikap pa talaga nitong sumunod sa safety protocol na pagsusot ng face mask

- Hangad naman ng mga netizens na mabigyan ng tamang mask ang mga katutubong tulad ng nasa larawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Katutubo sa Mindoro, hinangaan sa suot nitong face mask na yari sa bao ng niyog

Face mask (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Agaw eksena sa social media ang suot na face mask ng isang katutubong Mangyan mula Oriental Mindoro.

Nalaman ng KAMI na hindi surgical face mask at hindi cloth mask ang suot ng katutubo kundi pinakinis na bao na kanyang ginawa.

Ayon sa nagbahagi ng larawan na si Vholet Kulit sa Facebook page na Memories of Old Manila & Beyond, nakilala niya ang katutubong Mangyan na si Lido Banay mula sa Bulalacao, Oriental Mindoro.

Sa larawan, makikitang natatakpan nga naman ng pinakinis na bao na may tali ang kanyang ilong at bibig na siyang prinoprotektahan ng mask upang hindi mapasukan ng kinatatakutang COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Mapapansin din may suot pa siya sa kanyang mata na tila isang face shield bilang panangga sa virus na maaring makapasok roon.

Hinangaan si Tatay Lido sa kanyang diskarte na magkaroon ng face mask at face shield na kanyang lamang ginawa.

Pinakita rin niyang, sumusunod siya sa safety protocols ng Kagawaran ng Kalusugan na dapat na magsuot ng face mask lalo na kung nasa pampublikong lugar.

Samantala, nais din ng mga netizens na mabigyan sana ng totoong face mask ang mga tulad ni Tatay Lido. Bagaman at natatakpan nga ang kanyang ilong at bibig, wala pa ring kasiguraduhan ang kanyang kaligtasan sa virus kung mask na yari sa bao ang lagi niyang suot.

Sana raw, sa susunod na pamamahagi ng ayuda sa lugar nin Tatay Lido tulad ng nasa larawan ay may kasama nang face mask na maari nilang magamit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong nasa ilalim pa rin ng community quarantine ang iba't ibang bahagi ng bansa, at patuloy pa rin tayong lumalaban kontra COVID-19, nararapat pa ring sumunod tayo sa mga safety protocols na patuloy na ipinapaalala sa atin ng pamahalaan.

Tulad na lamang sa darating na Agosto 15, bukod sa face mask, mandatory na rin ang pagsusuot ng face shields sa mga commuters sa buong bansa.

Isa raw ito sa nakikita nilang mas epektibong paraan upang maprotektahan ang sarili at makaiwas sa COVID-19 lalo na kung kinakailangan lumabas ng bahay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel