Groom, pinakasalan pa rin ang bride na nasawi sa pagsabog sa Lebanon

Groom, pinakasalan pa rin ang bride na nasawi sa pagsabog sa Lebanon

- Viral ang emosyonal na post ng isang lalaki patungkol sa kanyang kasal na napaaga dahil sa pagsabog na naganap sa Lebanon

- Isa ang kanyang fiancee sa mga nasawi sa pagsabog sa Beirut ngunit sa kabila nito, isinakatuparan pa rin ng lalaki ang pangakong kasal sa kanyang nobya

- Bago ito ilibing, itinuloy niya ang kanilang pag-iisang dibdib kahit wala nang buhay ang babae

- Umani ang post na ito ng simpatya sa mga netizens lalo na at patong-patong ang sakit na nararamdaman ng lalaki sa pagkawala ng mahal na nobya, dahil sa krisis na dala ng COVID-19 at ang sitwasyon sa kanilang bansa sa ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Groom, pinakasalan pa rin ang bride na nasawi sa pagsabog sa Lebanon

Shihaan Hussain (Photo from Facebook)
Source: Facebook

Umantig sa puso ng maraming netizens ang post tungkol sa isang lalaki na namatayan ng nobya na biktima ng ng pagsabog na naganap sa Beirut, Lebanon.

Nalaman ng KAMI na Hunyo 6, 2021 sana ikakasal ang dalawa ngunit sa kasamaang palad, hindi na ito mangyayari dahil sa biglaang pagkamatay ng babae.

Subalit ayon sa post ni Shihaan Hussain, mapapaaga ang pag-iisang dibdib ng dalawa dahil kahit wala na ang nobya ay itinuloy pa rin ng lalaki ang kasalan.

Ito raw ang pangarap ng pinakamamahal niyang kasintahan ay marami na raw itong naihanda para sa kanilang pag-iisang dibdib.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Siniguro raw ng 'groom' na ang lahat ng kanilang binalak para sa kanilang espesyal na araw ay masusunod. Maliban lamang sa kanyang bride na hindi na makikitang suot ang wedding dress nito sa araw na iyon.

"You have broken my back my love, and burnt the heart of my heart. There is no more taste to life after you," pahayag ng groom.

Makikita sa larawan na tila ginanap ang kasalan bago maihatid sa huling hantungan ang nobya.

Matindi ang bumuhos na emosyon lalo pa at biglaan ang pagkasawi nito sa gitna pa ng pandemya.

Maging ang mga netizens at nagpahayag ng kalungkutan at pakikisimpatya sa groom sa patong-patong na hirap na dinaranas nito sa pagkawala ng nobya, sa krisis ng pandemya at sa kalagayan ng kanilang lugar matapos ang naganap na pagsabog.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilang video footages ang nakunan bago at habang naganap ang malakas na pagsabog ng 2,750 toneladang agricultural fertilizer na ammonium nitrate sa Beirut, Lebanon.

Dalawa sa ating mga kababayan ang kabilang sa mga nasawi sa Lebanon at anim naman ang naiulat na namatay.

Tinatayang mahigit na 3,700 nasaktan at nasugatan sa sa pangyayaring ito habang nasa 73 naman ang nai-ulat na nasawi.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel