Clint Bondad, sinagot ang mga komento ng netizens sa kanyang post

Clint Bondad, sinagot ang mga komento ng netizens sa kanyang post

- Kasunod ng mga nakakaintrigang post ni Clint Bondad, hindi mapigilang magtanong at mag-react ng mga netizens

- May mga nagsabing "creepy" at "weird" ang kanyang mga post sa Instagram post

- Hindi naman apektado ang aktor sa mga komento ng netizens at sinagot niya ang mga ito

- Si Clint ang dating kasintahan ng Miss Universe 2018 na si Catriona Gray

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nahihiwagaan at na-weirduhan sa mga post ni Clint Bondad sa Instagram. Kaya naman, hindi napigilang mapa komento ang mga netizens at tinawag na "weird at creepy" ang mga ibinabahagi ng aktor.

Sa kanyang pinakahuling IG post, nagbahagi kasi si Clint ng litrato ng tao na ang ulo ay hayop na may sungay.

"What sin do I bring 4 U

If not eXcitment

No one likes 2 resist curiosity," aniya sa caption ng nasabing litrato.

Negatibo ang karamihan sa mga naging reaksiyon ng netizens sa nasabing post.

Marami sa mga ito ang napatanong at nagbigay ng payo.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens na kanyang sinagot:

Matatandaang naging usap-usapan ang kanyang mga cryptic posts kamakailan na iniugnay ng mga netizens sa paghihiwalay nila ng dating nobya nitong si Catriona Gray.

Clint Bondad, sinagot ang mga "weird at creepy" na komento ng netizens sa kanyang post

Catriona Gray (Photo by John Lamparski/Getty Images)
Source: Getty Images

Si Catriona ay kasalukuyang karelasyon ng Kapamilya actor na si Sam Milby.

Matatandaang nilinaw ng isang Thai transwoman billionaire na si Jakkaphong "Anne" Jakrajutatip na kasalukuyang kasama niya si Clint sa Thailand.

Malapit na magkaibigan umano sila ni Clint at parang magkapatid raw ang turingan nila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Clint Bondad ay isang modelo at aktor na kasalukuyang isang Kapuso artist. Naging bahagi siya ng boy group sa ASAP na tinatawag “Coverboys.” Napanood din siya sa teleseryeng “Be My Lady” habang nasa ABS-CBN pa lamang siya. Kamakailan lang ay marami ang nagulat sa kanyang unshaven looks at pagpayat.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Naging tampulan ng intriga si Catriona Gray matapos ang mga cryptic post ni Clint. Kaya naman, ipinagtanggol si Catriona ng kanyang kasintahang si Sam Milby sa pamamagitan ng pagbahagi ng kanyang mensahe sa social media.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel