New Zealand, walang naitalang karagdagang kaso ng COVID-19 sa loob ng 100 araw

New Zealand, walang naitalang karagdagang kaso ng COVID-19 sa loob ng 100 araw

- Hinangaan ang bansang New Zealand matapos na maabot nila ang ika-100 araw na walang bagong kaso ng COVID-19 na naitala

- Kinumpirma ito ng kanilang director-general of health na si Ashley Bloomfield

- Gayunpaman, aminado sila na bagaman at malaking tagumpay nang masasabi ang halos tatlong buwang walang bagong kaso ng virus, alam nilang hindi sila dapat magpakampante

- Isa raw sa masasabi nilang naging epektibo nilang ginawa sa pagpigil sa pagglaganap ng virus ay ang pagsasara ng kanilang borders mula pa noong Marso 19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

New Zealand, walang naitalang karagdagang kaso ng COVID-19 sa loob ng 100 araw

New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Ika-100 araw na sa New Zealand kung saan hindi na muling nadagdagan ng panibagong kaso ng COVID-19 ang kanilang bansa.

Kinumpirma ito ng kanilang director-general of health na si Dr. Ashley Bloomfield kung saan masasabing isang 'milestone' ito para sa kanila.

"Achieving 100 days without community transmission is a significant milestone," pahayag niya.

Subalit, aminado silang hindi dapat sila magpaka-kampante sa munting tagumpay na ito sa laban ng kanilang bansa sa COVID-19.

Kasalukuyang 23 na lamang ang active cases sa kanilang lugar ngunit hindi na raw talaga ito nadagdagan kahit pa nasa limang milyon ang bilang ng kanilang populasyon.

"We have seen overseas how quickly the virus can re-emerge and spread in places where it was previously under control, and we need to be prepared to quickly stamp out any future cases in New Zealand," ayon pa kay Dr. Bloomfield.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Isa umano sa masasabing epektibong nagawa nila ay ang pagsasara mismo ng kanilang borders noong Marso 19 kung kailan nagsisimula pa lamang ang paglaganap ng virus sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Ayon pa sa ulat ng GMA News, maging ang World Health Organization (WHO) ay kinilala ang hakbangin ng New Zealand Prime Minister na si Jacinda Ardern sa laban nila kontra COVID-19.

Base sa ulat ng Agence France-Presse, 1,219 lamang ang naging kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa New Zealand at ang pinakahuling naitala nilang community transmission ay noon pang Mayo 1.

Dahil dito, halos balik na sa normal ang pamumuhay sa naturang bansa ngunit may kasama pa ring pag-iingat lalo na ang kalapit nilang mga bansa tulad ng Australia at Vietnam ay muling tumataas na naman ang bilang ng panibagong kaso ng respiratory disease.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa ating bansa, tuluyan pa rin ang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 kaya naman naungusan na natin ang bansang China na sinasabing pinagmulan ng naturang virus.

Sa kasamaang palad, ang Pilipinas na ang tinaguriang COVID-19 'hotspot' sa Timog-Silangang Asya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel