Red Cross, sinagip ang isang nurse na pinaalis sa kanyang boarding house

Red Cross, sinagip ang isang nurse na pinaalis sa kanyang boarding house

- Isang nurse na tinamaan ng COVID-19 ang pinalayas sa kanyang boarding house

- Walang magawa ang nurse na si "Gem" kundi umalis na lamang sa kanyang tinutuluyan

- Dinatnan siya na nakaupo sa gutter sa Southville Makati corner JP Rizal ng consultant ng Philippine Red Cross Welfare services

- Abot-abot ang pasasalamat ni Gem sa pagsagip umano sa kanya matapos makaranas ng diskriminasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilan ng consultant ng Philippine Red Cross Welfare services na manlumo nang datnang nakaupo sa gutter sa isang kalye sa Makati ang isang nurse na pinalayas sa kanyang tinutuluyan matapos magpositibo sa COVID-19.

Sa isang ulat ng ABS-CBN News, ikinuwento ng customer care representative nurse na nagtatrabaho sa isang health maintenance organization ang kanyang karanasan.

"Ang sabi po sa'kin sa text, hanggat maaari, bago mag-umaga ay wala ka na rito," ani Gem sa isang panayam sa TeleRadyo.

Mayor Vico Sotto, nilinaw ang tungkol sa engkwentro sa 1 negosyante

Umalis umano siya sa boarding house nang alas 9 ng gabi at naghanap ng pansamantalang matutuluyan.

"Nung naghahanap po ako ng matutuluyan ko, wala po akong makita sa Makati. Hanggang dun po ako nakarating sa Pasay, dun po ako naka-check in," kwento ni Gem.

Lumapit siya sa Barangay Olympia sa Makati upang humingi ng tulong ngunit bigo siyang matulungan ng mga taga barangay.

"Nung pumunta po ako, ang sabi sa 'kin, sarado raw ang barangay health center... Ang sabi po sa 'kin, 'Sinasabi ko sa'yo, di ka matutulungan dito.' May binigay sa 'kin na contact number. Landline po, kaya di ko po ma-contact," aniya.

Isang kaibigan ang nagmagandang-loob at nirefer si Gem sa Red Cross. Inabutan ng consultant ng Philippine Red Cross Welfare services na si Zenaida Beltejar si Gem na nakaupo sa gutter.

"Nanlulumo ako nung nakita ko talaga. Nandun siya sa gutter nakaupo. Naiyak talaga ako nun - ang nurse na nag-COVID positive ganun ang treatment natin," ani Beltejar.

Angelica Panganiban, naging tampulan ng tukso dahil sa lalaking nahagip sa camera

"Imagine, nangyayari pala ito, ilang nurse dyan ang nasa kalye ngayon."

Red Cross, sinagip ang isang nurse na pinaalis sa kanyang boarding house

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon naman kay Sen. Richard Gordon na chairman ng PRC, ipapaabot niya ang pangyayari sa mga ibang opisyales upang mabigyan ng tugon ang kakulangan sa polisiya ng gobyerno.

"Ito ay storya ng discrimination. 'Wag n'yong gagawing ito sa kapwa natin Pilipino... Lahat ng tao, dapat tinutulungan natin," ani Gordon.

Matatandaang ipinasa sa final reading sa House of Representatives ang batas laban sa diskriminasyon sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID, kabilang na ang mga frontliners.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang isang frontliner ang ikinandado sa sariling bahay matapos siyang mapaghinalaang tinamaan ng COVID.

Kamakakailan ay nagprotesta ang ilang medical frontliners matapos pumanaw ang isang kasamahan nila dahil sa COVID. Nais nilang mabigyan ng katarungan ang pagpanaw nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel