Nikki Valdez, sinupalpal ang mga taong nagsasabi na puro siya “ngawngaw”

Nikki Valdez, sinupalpal ang mga taong nagsasabi na puro siya “ngawngaw”

- Hindi nagpatinag ang Kapamilya actress na si Nikki Valdez

- Ito ay sa gitna ng pambabatikos ng ilang taong hindi sumasang-ayon sa kanyang pinaglalaban

- Sinagot ng aktres ang mga taong nagsabing ngawngaw daw siya nang ngawngaw

- Matatandaang umani ng pambabatikos mula sa ilang netizens ang paglabas ng saloobin ni Nikki hinggil sa alegasyon kaugnay sa korupsiyon sa PhilHealth

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nagpatinag ang aktres na si Nikki Valdez sa mga taong bumatikos sa kanya kasunod ng kanyang pagsasapubliko ng kanyang saloobin hinggil sa ilang maiinit na isyung kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan.

Kamakailan ay naging aktibo ang aktres na ibahagi ang kanyang opinyon sa social media kaya naging sentro siya ng pambabatikos ng mga taong hindi sumasang-ayon sa kanyang opinyon.

Nikki Valdez, sinagot ang mga taong nagsasabi na puro siya “ngawngaw” (o mararaming sinasabi) sa gobyerno matapos ang kanyang pasaring sa mga opisyal ng PhilHealth na inaakusahang sangkot sa korupsyon.

Nikki Valdez, sinupalpal ang mga taong nagsasabi na puro siya “ngawngaw”

Photo from Wikimedia Commons
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sagot ng aktes, “Ngawngaw daw ako nang ngawngaw. At least, hindi ako magnanakaw! Yes? Okay."

Sinang-ayunan naman ito ng kanyang mga tagasuporta.

Khit nga may pandemya, nakakagawa pa sila ng di tama...karapatan nating mag voice out ng saloobin lalu at tayong mamamayan ang apektado ng kahirapan. Mahirap man o mayaman lahat apektado kung anu man ang kahihinatnan ng bansa sa kamay ng mga namumunong nalulunod sa kapangyarihan!!! Maging mapagmatyag at magmalasakit sa kapwa.
You're right Nikki Valdez... dapat mga DDS dun kayo magalit sa mga magnanakaw hindi sa mga taong nagtatanung lang kung san napunta yung pera ng Philhealth
Yung bawat buwan na kinakaltas ang philhealth sa sahod mo hindi ka makapagreklamo kasi mandatory deduction tapos malalaman mo nlang ninanakaw lang pla ng mga demonyong opisyal ng ahensya.

Ang PhilHealth o Philippine Health Insurance Corporation ay nabuo noong 1995 upang ipatupad ang universal health coverage ng Pilipinas. Ito ay government-owned and controlled corporation (GOCC) ng bansa na kaagapay ng Kagawaran ng Kalusugan. Ang layon nito ay mabigyan ng maayos na health insurance ang lahat ng Pinoy.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matatandaang maraming umalma matapos lumabas ang alegasyon ng korupsyon laban sa mga matataas na opisyal ng PhilHealth.

Kabilang si Nikki Valdez sa nagsalita tungkol dito. Sinagot naman ng showbiz reporter na si Jobert Sucaldito ang naging pahayag ng Kapamilya actress.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel