Bong Revilla Jr., kinumpirmang nagpositibo siya sa COVID-19

Bong Revilla Jr., kinumpirmang nagpositibo siya sa COVID-19

- Malungkot na inanunsiyo ni Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. na nagpositibo siya sa COVID-19

- Kinumpirma niya ito sa kanyang Facebook post kung saan sinabing maayos pa rin naman ang kanyang kalagayan

- Nagbigay rin umano siya ng update patungkol sa kalagayan ng kanyang pamilya na kasama sa bahay

- Hiling niya ang panalangin ng publiko para sa kanyang agarang paggaling at ngayon pa lang ay nagpapasalamat na siya para rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bong Revilla Jr., kinumpirmang nagpositibo siya sa COVID-19

Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. (Photo from Flickr)
Source: UGC

Mismong si Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. ang nagkumpirmang tinamaan na rin siya ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na ipinahayag niya ito sa kanyang social media post ngayong hapon, Agosto 9.

Sumailalim sa COVID-19 test ang buong pamilya ni Bong nang isa sa kanilang kasama sa bahay at isa sa kanyang mga tauhan ay nauna nang nag-positibo sa kinatatakutang virus.

Malungkot man at siya ay nagkaroon ng virus ngunit maayos naman daw ang kanyang lagay maging ng kanyang pamilya na lahat ay nag-negatibo sa test.

"Sila Lani at ang mga bata ay okay rin at sa awa ng Diyos, ay negative naman lahat," bahagi ng kanyang Facebook post.

Kasalukuyan siyang naka-quarantine at patuloy siyang oobserbahan ng kanyang mga doktor.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nabanggit niya sa kanyang post na nasa senado pa siya noong Lunes, Agosto 3 at huli siyang lumabas noong Martes, Agosto 4 para sa ika-40 na araw ng pagkamatay ng kanyang ama na si Ramon Revilla Sr.

Hiling niya ang dasal at panalangin para sa kanyang agarang paggaling at ngayon pa lang ay nagpapasalamat na siya agad para rito.

Isa na naman itong pagsubok sa pamilya ng senador kung saan mahigit isang buwan lamang ang nakalipas nang pumanaw ang kanyang ama sa edad na 90.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Bong Revilla unang nakilala bilang isang aktor bago niya pasukin ang pagiging isang pulitiko.

Misis niya ang Mayor ng Bacoor na si Lani Mercado na isa ring aktres. Ang anak naman nilang si Jolo Revilla ay isa ring actor-politician

Si Senator Bong ang ikaapat na senador na tinamaan ng COVID-19 habang ang ilan tulad nina Senator Miguel Zubiri at Senator Sonny Angara ay nakadalawang beses na nagkaroon ng naturang virus.

Kasalukuyan nang nasa 129,313 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa base sa huling tala ng Department of health.

Tinatayang nasa 11 araw na na hindi bumababa sa 3,000 ang dumaragdag na kaso ng COVID-19, araw-araw sa Pilipinas. Dahil dito, ang bansa na ang may pinakamaraming kaso ng virus sa buong Timog-Silangang Asya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel