PhilHealth CEO Ricardo Morales, dismayado sa paglabas ng kanyang medical condition

PhilHealth CEO Ricardo Morales, dismayado sa paglabas ng kanyang medical condition

- Naglabas ng saloobin si Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) president and CEO Ricardo Morales hinggil sa paglabas ng balita tungkol sa sakit niya

- Aniya, bilang President at Chief Executive, tungkulin niyang kumatawan para sa PhilHealth hangga't kaya niya

- Matatandaang lumabas ang kopya ng kanyang isinumiting medical certificate upang patunay na hindi ligtas para sa kanya na dumalo sa hearing

- Hiniling niyang payagan siya ng senado na dumalo sa hearing sa pamamagitan na lamang ng video conference

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinadismaya ni Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) president and CEO Ricardo Morales na hindi umano nirespeto ang kanyang privacy matapos ang paglabas ng balita tungkol sa kanyang medical condition.

“As President and Chief Executive, it is my duty to represent the Corporation while still physically capable. I regret that my privacy was not respected,” ani Morales sa isang statement na inilabas ng PhilHealth nitong Linggo.

Ayon sa PhilHealth, nais ni Morales na lumahok sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa mga alegasyon laban dito.

Gayunpaman, dahil sa kanyang health condition, minarapat ni Morales na magsumite ng medical certificate upang hilingin sa Senado na payagan siyang lumahok sa pamamagitan ng video conference na lamang.

PhilHealth CEO Ricardo Morales, dismayado sa paglabas ng kanyang medical condition

Photo from Wikimedia Commons
Source: Facebook

Matatandaang lumabas ang balita tungkol sa kanyang kondisyon matapos lumabas ang medical certificate ni Morales na kung saan nakasaad na kailangan niyang sumailalim sa 6 cycles ng treatment kung saan maaring malagay sa panganib ang kanyang kalusugan dahil sa mababang resistensiya laban sa mga impeksiyon.

“He shall undergo a repeat PET CT Scan after completing 6 cycles of chemotherapy after which I shall make a recommendation when he can resume work,” saad ng nasabing dokumentong may nakalagay na petsang August 7.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang executive vice president and chief operating officer ng PhilHealth na si Arnel de Jesus ay nag-abiso ring hindi makakadalo sa hearing dahil sa hindi inaasahang medical emergency.

Nakatakdang maganap ang Senate hearing sa alegasyon laban sa PhilHealth ngayong August 11, Martes.

Ang PhilHealth o Philippine Health Insurance Corporation ay nabuo noong 1995 upang ipatupad ang universal health coverage ng Pilipinas. Ito ay government-owned and controlled corporation (GOCC) ng bansa na kaagapay ng Kagawaran ng Kalusugan. Ang layon nito ay mabigyan ng maayos na health insurance ang lahat ng Pinoy.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matatandaang maraming umalma matapos lumabas ang alegasyon ng korupsyon laban sa mga matataas na opisyal ng PhilHealth. Kabilang si Nikki Valdez sa nagsalita tungkol dito.

Sinagot naman ng showbiz reporter na si Jobert Sucaldito ang naging pahayag ng Kapamilya actress.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel