Amang pilit na pinabibili ng smartphone ng anak kahit kulang ang pera, viral

Amang pilit na pinabibili ng smartphone ng anak kahit kulang ang pera, viral

- Usap-usapan sa social media ang kwento ng cellphone shop owner tungkol sa amang pilit umanong pinabibili ng smartphone ng kanyang anak

- Napag-alamang kulang ang pera ng ama ngunit "requirement" daw ang smartphone sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24

- Naawa na lamang ang tindera nang mapansing nanlumo ang ama na hindi nito nabilhan ang anak ng sinasabing cellphone

- Nilinaw ng Department of Education na hindi obligadong bumili ng gadget ang mga magulang para sa anak dahil mayroon namang modular para sa mga wala nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Amang pilit na pinabibili ng smartphone ng anak kahit kulang ang pera, viral

Basic cellphone (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Agaw eksena sa social media ang nasaksihan di umano ng isang cellphone shop owner kung saan isang ama ang nabigong bilhan ng smartphone ang kanyang anak.

Nalaman ng KAMI na smartphone daw ang pinabibili ng anak para sa papalapit nang pagbubukas ng klase sa Agosto 24.

₱3,000 lamang ang budget ng ama ngunit ang bilin ng anak, 6GB RAM /64GB ROM na smartphone ang kailangan nito.

Kulang na kulang ang pera ng ama kaya naman nalungkot din ito na hindi niya naibili ng cellphone ang anak.

Naawa ang tindera ngunit naisip din nitong hindi naman talaga requirement ang pagbili ng cellphone o anumang gadget para sa pasukan lalo na sa pampublikong paaralan.

Kitang-kita raw ang pagkadismaya ng ama ngunit hindi raw nito alam na nagsisinungaling ang anak sa pagsasabi pa lamang na "requirement" ang pagbili umano ng smartphone.

Kaya naman pakiusap ng orihinal na uploader na si Je Han sa mga mag-aaral, huwag pilitin ang mga magulang kung hindi talaga kaya lalo na at dumaranas pa tayo ng krisis sa ngayon dala ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Pandemic ngayon intindihin nyo na mahirap kumita/kitaain yung pera," pahayag ni Je Han na binahagi rin ng Promoters Tempor Vlog.

Tinatayang dalawang linggo na lamang at magbubukas na ang klase sa mga pampublikong paaralan sa Agosto 24.

Ito ang unang pagkakataon na makararanas ng blended learning ang mga mag-aaral kung saan, online, modular o maging gamit ang TV at radio ay pwedeng makapag-aral.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Binigyang linaw ng Deped na hindi kinakailangang bumili ng gadget ang mga magulang para sa mga anak dahil magkatatanggap naman ang mga ito ng modules na siyang gagamitin ng mga batang walang internet at walang gadget.

Subalit ang ilang mga magulang, handang gawin ang lahat upang masigurong nakasasabay ang kanilang mga anak sa makabagong pamamaraan ng pag-aaral. Kaya naman gumagawa talaga sila ng paraan upang maibigay ang mga kailangan ng kanilang anak para sa darating na pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel