Direk Darryl Yap, rumesbak sa pambabatikos sa "online class" video ng Vincentiments

Direk Darryl Yap, rumesbak sa pambabatikos sa "online class" video ng Vincentiments

- Hindi nagpatinag ang direktor na si Darryl Yap kasunod ang pambabatikos sa isang video ng Vincentiments

- Marami ang umalma sa video na pinamagatang "online class" na ibinahagi online kahapo, August 7, 2020

- Hindi pa man tumagal ay umani na ng 8.2 million ang views ng nasabing kontrobersiyal na video

- Kasunod ng ilang tweets, isang opisyal na pahayag ang inilabas ni Darryl Yap kaugnay sa isyu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong tapang na sinagot ng direktor at writer na si Darryl Yap ang mga pambabatikos sa bagong video ng Vincentiments na pinamagatang 'online class.'

Matapos ibahagi sa social media ang nasabing video kahapon, August 7, umani ito ng samu't-saring reaksiyon kabilang na ng pagkadismaya ng ilang mga netizens.

Kasalukuyang umabot na sa 8.2 million ang views ng kontrobersiyal na video na inilarawan ng ilang netizens na pamamahiya sa mga guro.

Direk Darryl Yap, rumesbak sa pambabatikos sa "online class" video ng Vincentiments

Photo: Vincentiments/Facebook
Source: Facebook

Kumalat sa Twitter ang kopya ng naging unang tugon ng direktor kaugnay sa isyu.

Katwiran niya, hindi dapat masamain ng mga guro ang nasabing video dahil ito ay para maitama ang maling sistema.

Sa Facebook account ng Vincentiments, inilabas ng direktor ang kanyang opisyal na pahayag.

Pinasalamatan niya ang mga gurong nakaintindi sa mensahe ng kanilang video. Iginiit niyang hindi ito pag-atake kundi pagbibigay pagkakataon sa kanilang hanay.

Iginiit nitong pinapahalagahan lamang ng VinCentiments ang totoong reaksyon ng nakararami sa pamamagitan ng sa pamamagitan ng paggamit ng mapanakit na biro at salita.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Dahil sa KPL na ito, Nalaman nyo ang mga ugali ng isa’t-isa—kung paano sila humaharap sa mga makatotohanang tagpo; kung paano sila magreact—ang inyong mga kaklase, kaibigan, guro atbp," dagdag pa niya.

Naging sentro ng nasabing video ang online classes na magiging paraan ng pagpapatuloy ng edukasyon ng karamihan sa gitna ng pandemya at upang mabawasan ang paglabas ng mga mag-aaral.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sa kabila ng kahirapang kinakaharap, sinisikap ng maraming magulang na masuportahan ang pag-aaral ng mga bata. Kamakailan ay isang magulang ang naviral dahil sa pagbarter niya sa kanyang mga alagang manok sa cellphone upang may magamit ang kanyang anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel