Pinoy COVID-19 patient sa Dubai na 2 buwang kritikal ang lagay, naka-recover

Pinoy COVID-19 patient sa Dubai na 2 buwang kritikal ang lagay, naka-recover

- Masasabing milagro ang paggaling ng isang OFW sa Dubai na tinamaan ng COVID-19

- Mula sa araw na siya ay kusang pumunta sa ospital, agad siyang na-intubate at inabot ito ng dalawang buwan

- Nagkaroon pa ng ilang komplikasyon ang kanyang pagpapagaling at isa na rito ang bahagyang memory loss

- Apat na buwan ang inilagi niya sa ospital kaya naman inabot ng nasa katumbas na 10 million pesos ang gastusin sa ospital na sinagot naman lahat ng kanyang employer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinoy COVID-19 patient sa Dubai na 2 buwang kritikal ang lagay, naka-recover

Francis Feliciano (Photo From Facebook)
Source: Facebook

Naging laman ng balita sa iba't ibang news sites ang paggaling ng kababayan nating si Francis Feliciano na tinamaan ng COVID-19 sa Dubai.

Nalaman ng KAMI na nagtatrabaho sa isang food industry ang 46-anyos na si Francis nang bigla na lamang siyang nagkaroon ng mataas na lagnat kaya labis na mabigat ang kanyang pakiramdam.

Abril 13 ito nangyari at agad siyang nagpunta sa ospital. Pagdating sa Canadian Specialty Hospital, nahirapan na siyang huminga ngunit nagawa pa niyang tawagan ang kanyang misis na si Shiela Feliciano na nasa Canada.

Abril 14, naging kritikal na ang lagay ni Francis kaya naman nilagyan na siya ng tube support.

Nang muli siyang tawagan ng kanyang misis, doon sinabihan ito ng nurse na naka-intubate na ang mister at hindi na niya ito makakausap.

Mabuti na lamang at mababait ang mga doktor na nagbibigay ng update kay Shiela.

"Buti di nag-give up ang mga doktor, talagang inilaban nila si Francis," Pahayag ni Shiela sa programang Brigada.

Matatag daw si Francis ayon sa mga medical frontliners na tumitingin at umaalalay sa kanya.

Kahit apat na beses na itong ni-revive at nag-agaw buhay, lumalaban parin talaga ito at nagpaparamdam na nais pa talaga niyang mabuhay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Makalipas ang dalawang buwang pagiging comatose, nagising na si Francis. Ito rin ang senyales ng kanyang paggaling.

Subalit dala ng matagal na panahong siya ay tila tulog lamang, nahirapan siyang maglakad at nakaranas siya ng bahagyang memory loss.

Hunyo 28, makalipas ang apat na buwang gamutan, tuluyan nang na-discharge sa ospital si Francis.

Masasabing milagro talaga ang kanyang pagiging COVID-19 survivor sa dami ng kanyang pinagdaanan.

At dahil matagal siyang nalagak sa ospital, umabot sa katumbas 10 milyong piso ang kanyang bayarin.

Ngunit di na ito prinoblema pa ni Francis dahil sinagot na ito lahat ng kanyang employer.

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tunay na mapaghuhugutan ng inspirasyon ang kwentong ito ni Francis na bagaman at nag-iisa lamang sa laban niya sa COVID-19, napagtagumpayan pa rin niya ito.

Tulad na lamang ng ilan pa nating kababayan na nagpositibo rin sa COVID-19 ngunit nagawa nilang labanan dahil sa determinasyon at pagnanais na makasama muli ang mga mahal nila sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel