5 PWD, naglalakbay mula Pangasinan patungong Rizal gamit ang kanilang wheelchair

5 PWD, naglalakbay mula Pangasinan patungong Rizal gamit ang kanilang wheelchair

- Namataan ng isang netizen na ang limang persons with disability na naglalakbay gamit lamang ang kani-kanilang mga wheelchair

- Mula pa raw ang mga ito sa Pangasinan at sila ay pauwi ng Rizal

- Bandang Tarlac na ang mga PWD nang makita ng netizen at makalipas ang limang araw na matiyagang paglalakbay ay namataan na sila sa MacArthur Highway sa Malolos Bulacan

- Kinaya nila ang paglalakbay na ito sa kagustuhang makauwi kahit na walang masakyan

- Nagagawa na rin nilang mamalimos sa daan upang may maipangkain

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

5 PWD, naglalakbay mula Pangasinan patungong Rizal gamit ang kanilang wheelchair

Ang limang PWD ( Photo from Ike Nicdao Facebook)
Source: Facebook

Isang netizen ang nagmalasakit i-post sa social media ang namataan niyang limang mga persons with disability na naglalakbay gamit lamang ang kani-kanilang mga wheelchair.

Nalaman ng KAMI na mula pa sa Pangasinan ang limang PWD na pauwi raw ng Rizal. Dahil sa community quarantine, walang masakyan ang mga ito para makaluwas patungo sa kanilang destinasyon. Kaya naman nagdesisyon silang mag-wheelchair na lamang para matuloy lamang ang kanilang pag-uwi.

Ayon pa sa netizen na si Ike Nicdao na nakakita sa lima sa Barangay Paniqui sa Tarlac, tinapay lamang ang baon ng mga PWD na matapang na binabagtas ang highway sa kabila ng mga rumaragasang mga sasakyan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Binahagi raw ito ni Ike upang makapangalap ng tulong sa mga ito at mas mapadali sana ang kanilang pag-uwi sa Cainta, Rizal.

Ayon sa ulat ng GMA News, lumihis na ang isa sa limang ito na pauwi naman sa probinsya ng Quezon.

Noong Agosto 6, makalipas ang nasa limang araw na nilang paglalakbay, namataan na sila sa Calumpit, Bulacan bandang MacArthur Highway sa Malolos.

Suot ang kanilang faceshield, payong lamang ang pananggalang nila sa init habang nasa likod naman ng kanilang gamit.

Kwento pa ng grupo, paminsan-minsan na rin silang namamalimos mairaos lang ang gutom at uhaw.

Hangad ng marami na mayroong may mabuting puso na makapaghahatid sa mga ito o di kaya ay makarating ang grupo ng walang naaksidente o may sakit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa lamang ito sa ilang nakamamanghang kwento ng mga PWD na hindi naging hadlang ang kanilang kapansanan sa pag-abot ng mga bagay na nais nilang gawin.

Tulad na lamang ng isang PWD sa Quezon City na matiyagang naglalako ng kung ano-anong gamit upang mayroong kitain ay may maipanggastos ngayong panahon ng krisis.

Pinakikita lamang na hindi dahilan ang kawalan ng isang bagay kung kaya mo namang pagyamanin kung ano ang meron ka.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel