15-anyos na anak ni Ruffa Gutierrez, hot topic sa social media

15-anyos na anak ni Ruffa Gutierrez, hot topic sa social media

- Viral sa social media ang bunsong anak ni Ruffa Gutierrez kamakailan matapos ibahagi ng aktres ang litrato nito sa social media

- Marami ang nakapansin sa malaking pagkakahawig ni Venice Bektas sa kanyang ina

- Sa kanyang edad na 15 taong gulang, marami din ang nakapansin sa angkin nitong ganda

- Si Venice ay isa sa dalawang anak ni Ruffa sa dating asawang si Yilmas Bektas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hot topic sa social media ang bunsong anak ni Ruffa Gutierrez na si Venice Bektas. Ito ay matapos ibahagi ng aktres ang litrato ng kanyang 15-anyos na anak sa kanyang Instagram account.

Marami sa mga netizen ang nakapansin sa malaking pagkakahawig ng mag-ina. Sa kanyang murang edad ay kapansin-pansin din ang ganda nito kagaya ng kanyang kapatid na si Lorin Bektas na ngayon ay 17 na.

15-anyos na anak ni Ruffa Gutierrez, hot topic sa social media

Ruffa Gutierrez (Photo from Suhaimi Abdullah / Stringer via Getty Images)
Source: Getty Images

Marami sa mga netizens ang nagsabing nakikita nila kay Venice ang mukha ni Ruffa lalo na noong kabataan ng “Love Thy Woman” star na unang nakilala sa variety show na “That’s Entertainment.”

“My youngest is growing up so fast! @venicebektas. Stay little," ani Ruffa sa caption ng viral na picture ni Venice.

Si Venice o Venicia Loran-Bektas ay ang bunsong anak nina Ruffa at dating asawa nitong si Yilmaz Bektas. Isinilang siya noong Setyembre 11, 2004 sa Cedars-Sinai Hospital sa Los Angeles, California.

Matatandaang naghiwalay sina Ruffa at Yilmaz taong 2007 — mahigit tatlong taon mula nang sila ay ikinasal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ruffa Gutierrez ang panganay na anak nina Anabelle Rama at Eddie Gutierrez. Isa siyang dating beauty queen. Isa sa kanyang kapatid ay ang Kapamilya actor na si Richard Gutierrez na kinasal kamakailan kay Sarah Lahbati.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang kanyang inang si Anabelle Rama ay nagbahagi kamakailan kung paano siya tinulungan ni Ruffa. Gayundin, isang prangka at madamdaming mensahe ang ibinahagi ni Ruffa at ibinahaging nagpapasalamat siya na si Anabelle ang kanyang ina.

POPULAR: Read more news about Ruffa Gutierrez

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel