Dating Manila Mayor Alfredo Lim, sumakabilang buhay na

Dating Manila Mayor Alfredo Lim, sumakabilang buhay na

- Pumanaw na ang dating senador at dating alkalde ng Maynila na si Alfredo Lim

- Ito ay matapos na isugod siya sa ospital dahil nagpositibo siya sa COVID-19

- Isang araw lamang ang lumipas, kinumpirma ng kanyang anak na si Cynthia Lim ang pagpanaw ng ama

- Si Lim ay nagsilbi bilang mayor ng Maynila sa loob ng 12 taon at naluklok sa senado mula 2004 hanggang 2007

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dating Manila Mayor Alfredo Lim, sumakabilang buhay na

Dating Manila Mayor Alfredo Lim (Photo from Flickr)
Source: UGC

Sumakabilang buhay na ang dating Manila Mayor na si Alfredo Lim ngayong araw, Agosto 8.

Nalaman ng KAMI na kinumpirma ang balitang ito ng kanya mismong anak na si Cynthia Lim.

Isinugod si Mayor Lim sa isang ospital ng gobyerno kahapon Agosto 7 matapos umano magpositibo nito sa COVID-19.

Ayon pa sa ulat ng Manila Bulletin, mahigpit na binabantayan ng mga doktor ang kalagayan ng dating alkalde dahil sa edad nito na siyang mas mahirap na tamaan ng virus.

Sa kasamaang palad, makalipas lamang ang isang araw, pumanaw na rin ito sa edad na 90.

Isa sa mga unang nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Tourism, Culture and Arts of Manila na agad na nakapag-post sa kanilang Facebook page ukol sa pagpanaw ng isa sa magigiting pa public servant ng bansa

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

12 taon din nanilbihan bilang alkade ng Maynila si Lim. Nagsimula ito noong taong 1992 hanggang 1998. At muli siyang nahalal bilang alkalde ng lungsod taoong 2007 hanggang 2013.

Noong 2004, naluklok sa senado si Lim kung saan nanilbihan naman siya bilang senador hanggang 20017.

Taong 200 hanggang 2001 naman nang siya ay maging Interior Secretary.

Bago maging alkalde, naging direktor siya ng National Bureau of Investigation noong 1992.

Nanilbihan din siya bilang Superintendent of the Philippine National Police Academy at naging Director ng Western Police District at isang retiradong heneral.

Kilala rin siya sa tawag na 'Dirty Harry' dahil na rin sa pagiging matinik niya sa pagtugis ng mga kriminal sa bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, isa si Mayor Isko Moreno, ang kasalukuyang alkalde ng Maynila ang nagpahayag ng balitang nagpositibo ang dating alkalde ng kanilang lungsod sa COVID-19.

Hiniling pa niya ang dasal para sa paggaling ng dating alkalde subalit hindi na rin ito nagtagal.

Maraming Manileño ang nalungkot sa pagpanaw ng kanilang dating pinuno ngunit sinabing hindi naman daw nila makakalimutan ang mga nagawa nito sa kanilang lungsod na patuloy na pinauunlad ng kasalukuyan nilang alkalde.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel