Ama, ibina-barter ang mga manok kapalit ang smartphone para sa online classes ng mga anak

Ama, ibina-barter ang mga manok kapalit ang smartphone para sa online classes ng mga anak

- Nag-viral ang post ng isang ama na naghahanap ng ka-barter ng kanyang manok para sa cellphone

- Ang smartphone na maipapalit ay gagamitin daw ng kanyang anak para sa papalapit na online classes

- Minabuti niyang mag-online classes ang anak dahil hindi raw umano nila masusubaybayan ito kung learning modules ang gagamitin dahil pareho silang may trabaho

- Dumagsa ang tulong sa kanila ngunit dalawa lamang ang kanyang tinanggap na cellphone na magagamit ng apat niyang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ama, ibina-barter ang manok para sa cellphone na magagamit ng anak sa online class

Photo from Flickr
Source: UGC

Agaw eksena sa Naga City Camarines Sur Barter Community ang ibinabarter ng amang si Rommel Enriquez para sa cellphone.

Nalaman ng KAMI na tatlong mga manok ang balak na ipalit ni Rommel para sa smartphone na magagamit umano ng kanyang mga anak para sa kanilang online classes.

Apat ang kanyang mga anak na mag-aaral ngayong panuruang taon ngunit dala ng krisis ng COVID-19, hindi niya kayang bilhan ang mga ito ng gadgets na maari nilang magamit para sa online classes na isa sa mga opsyon ng blended learning ngayong taon.

Pawang ang pag-aalaga at pagbebenta ng kuneho ang pinagkakakitaan ni Rommel na sadyang mailap sa panahon ngayon. Ang kanyang misis naman ay naghahanapbuhay din bilang tindera ng prutas.

Dahil dito, aminado silang hindi nila matututukan ang kanilang mga anak sakaling piliin nila ang modular approach o ang paggamit ng learning modules kung wala talaga silang magagamit na gadget.

"Yung tungkol po sa modular, medyo mahihirapan sila maka catch-up dun kasi ang asawa ko po nagtitinda. Walang maga-assist sa kanila," pahayag ni Rommel sa panayam sa kanya ng ABS-CBN news.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kaya naman naisipan niyang i-barter na lamang ang kanyang mga manok para lang magkaroon ng -smartphone ang mga anak.

Kahit daw seconhand pa ang maipapalit sa kanya ay kanilang tatanggapin at malaking tulong na raw ito sa pag-aaral ng mga supling.

Subalit dahil marami ang naantig sa motibo ng ama sa pakikipag-barter, hindi inaasahan ni Rommel na dadagsa ang tulong sa kanila.

Katunayan, marami na ang nagpadala ng mensahe na gustong magbigay sa kanila ng mga bagong cellphone kahit na walang kapalit.

"May nag-pledge po na dalawa, within this week daw po. 'Di ko po inaasahan na ganun ang magiging reaksyon ng mga nakakita ng post ko," kwento ni Rommel.

At dahil sapat na raw ang dalawang cellphone para sa apat na mga anak, tinanggihan na umano niya ang iba pang nag-aalok upang maibigay na lamang sa iba pang nangangailangan tulad nila.

Ama, ibina-barter ang manok para sa cellphone na magagamit ng anak sa online class

Rommel Enriquez barter post (Photo from Facebook/ Naga City Camarines Sur Barter Community)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tila marami ang dumidiskarte na magkaroon ng magagamit na gadget sa papalapit na pagbubukas ng klase ngayong panuruang taon.

Agosto 24 ang itinakdang araw ng Department of Education para sa pampublikong paaralan sa bansa kaya naman karamihan sa mga mag-aaral at kanilang pamilya ay naghahanda na para rito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel