LTO officer, suspendido matapos na magpa-rebond sa kanila mismong opisina

LTO officer, suspendido matapos na magpa-rebond sa kanila mismong opisina

- Suspendido ang isang empleyado ng LTO Dipolog matapos na magpa-rebond sa kanila mismong opisina

- Ang malala pa rito, nagawa pa niyang i-video at i-post sa social media ang 'hair rebonding session' na ginawa nila sa oras ng trabaho

- nakumpirma rin nilang mayroong naghihintay na customer habang patuloy na isinasagawa ang pagre-rebond

- Agosto 10 magsisimula ang limang araw niyang supensyon na walang bayad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

LTO officer, suspendido matapos na magpa-rebond sa kanila mismong opisina

Hair straightening/rebonding (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Suspendido ang isang female employee ng Land Transportation Office sa Dipolog City matapos na magparebond ito ng buhok sa kanila mismong opisina.

Nalaman ng KAMI na malakas pa ang loob nitong i-video ang 'hair rebonding session' na naganap sa oras ng trabaho at nagawa pa niyang i-post ito sa social media.

“This is a clear violation of the civil service rules,” pahayag ni LTO-Zamboanga region director Aminola Abaton base sa ulat ng Philippine Star.

Magsisimula ang supensyon ng empleyado sa Agosto 10 at limang araw itong walang sahod dahil sa suspensyon.

Hindi pa nakukumpirma kung ang babaeng gumagawa sa buhok ng empleyado ay kapwa niya empleyado rin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Base isinasagawang imbestigasyon, nakita pang mayroong customer na naghihintay habang patuloy na isinasagawa ang pagre-rebond.

“I have informed Assistant Secretary Galvante about the video and he instructed the regional director of LTO-9 to impose necessary disciplinary action. The CSC Region 9 will be verifying and monitoring the case,” pahayag ni CSC Commissioner Aileen Lizada kahapon, Agosto 7 kung kailang inilabas ang order ng suspensyon ng empleyado.

Kung mapapatunayang guilty ang naturang empleyado, di lamang suspensyon ang haharapin nito. Maari itong mauwi sa dismissal o pagkakasibak sa trabaho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mula Marso sumailalim na sa iba't ibang community quarantine ang bansa. Ang ilang lugar nakaranas pa ng ilang araw na hard lockdown bilang pag-iingat sa patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa kanilang barangay o kanilang komunidad.

Sa tagal ng community quarantine sa bansa, tila namomroblema na ang ilang kababaihan sa pagpapa-parlor o pagpapaayos ng kanilang mga buhok gaya na lamang ng ginawa ng empleyado ng LTO. Sarado kasi ang mga salon sa panahon ng quarantine dahil close contact ang services ng mga ito na posibleng maging dahilan ng pagkakahawahan ng virus.

Matatandaang noong Abril, isang babae ang nahuli sa curfew dahil umano nagpa-rebond ito. Ang masaklap pa rito, ang perang ibinayad niya sa pagpapaayos ng buhok ay ang natanggap niyang ayuda na ₱6,500.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel