OFW sa Canada at karelasyon sa Pinas, naudlot ang engrandeng kasal sa Hong Kong

OFW sa Canada at karelasyon sa Pinas, naudlot ang engrandeng kasal sa Hong Kong

- Isang OFW sa Canada ang naloko ng kanyang karelasyon sa Pinas na sana'y ikakasal na sa Hong Kong

- Nagkagasta na ng nasa 200k ang babae para sana sa kanilang kasal pero nag-backout si BF

- Sinisingil ng OFW ang dating BF sa kanyang nagasta kung hindi ay sasampahan niya ito ng kaso

- Buwelta ni BF, hindi lang siya ang nanloko at niloko rin daw siya ng OFW dahil itinago nito na meron na siyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumulog sa tanggapan ng "Raffy Tulfo in Action" ang isang OFW sa Canada na si Jenedin Dominon upang ireklamo ang kanyang boyfriend sa Pinas na si Ronie Peincenaves.

Nalaman ng KAMI na ayon sa kuwento ni Jenedin, niloko raw siya ni Ronie dahil meron pala itong girlfriend sa Pinas habang may relasyon silang dalawa.

Gumastos na raw si Jenedin ng halos PHP 200,000 para sa kasal sana nilang dalawa sa Hong Kong pero sa kasamaang palad ay nag-backout si Ronie.

Gusto pa raw makapunta ni Ronie sa Canada para matulungan daw niya ang kapatid niyang may cancer.

Raffy Tulfo

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang buwelta naman ni Ronie ay niloko rin daw siya ni Jenedin dahil hindi nito inamin na meron pala siyang anak sa dating asawa.

Pero ayon kay Jenedin, nag-backout na sa kasal si Ronie bago pa niya malaman ang tungkol sa kanyang anak kaya gusto niyang ituloy ang pagsampa ng kaso laban dito.

Babayaran naman daw ni Ronie ng installment ang nagasta ni Jenedin sa Hong Kong pero ayaw nitong pumayag kung hindi niya mabibigay ng cash ang bayad.

Watch the video below:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rafael Teshiba Tulfo o mas kilala bilang Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast journalist na may radio program sa Radyo5 92.3 News FM na may pamagat na "Wanted sa Radyo".

Sa nakaraang balita, isang seaman na pinerahan ng halos kalahating milyon ng kanyang GF ang viral ngayon. Sinabi ng GF ni Mark Joseph Rivera na siya ang ama ng ipinagbubuntis niya ngunit nalaman niya na hindi pala siya ang ama nito. Namili pa ng mga damit ng baby at crib si Mark at nagbigay ng pera para sa panganganak nito. Sa ngayon ay pinaghahanap ni Mark ang GF niya na naglaho na lang ng parang bula.

POPULAR: Read more news about Raffy Tulfo

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel