John Regala, dinamayan ng mga kaibigan sa gitna ng labis na iniindang sakit

John Regala, dinamayan ng mga kaibigan sa gitna ng labis na iniindang sakit

- Stable na ang kalagayan ng batikang aktor na si John Regala matapos siyang madala sa National Kidney and Transplant Institute

- Kabilang sa tumulong sa aktor ay ang kanyang mga kaibigan sa showbiz at ang dating asawa

- Nagbahagi ng update ang dating aktor na si Chuckie Dreyfus sa kalagayan ng ni John

- Aniya, hindi na masyadong gumagana ang atay at kidney ng aktor at mayroon din itong gout

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kasalukuyang naka-confine sa National Kidney and Transplant Institute ang batikang aktor na si John Regala matapos magtulungan ang mga kaibigan niya sa showbiz at ang dati niyang asawa upang matugunan ang medikal na pangangailangan ng aktor.

Sa ulat ni Cata Tibayan sa Chika Minute sa GMA News “24 Oras” nitong Biyernes, kabilang sina Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus, Aster Arroyo, at Film Development Council of the Philippines chair Liza Diño sa mga tumulong kay Regala.

“Right now talaga he’s in a lot of pain because apart from his liver and kidney problems, which are barely functioning already, he also has gout. Sobrang lagi siyang nagko-complain sa sobrang sakit,” pagbabahagi ni Chuckie.

John Regala, dinamayan ng mga kaibigan sa gitna ng labis na iniindang sakit

John Regala (Photo from John Regala Facebook)
Source: Facebook

Dagdag pa ng dating aktor, napagpasyahan niyang tumulong dahil hindi madali ang pinagdadaanan ni John lalo at nag-iisa lamang ito.

“Nadurog talaga ang puso ko. Parang why is he going through this? And I cannot imagine someone going through this alone so parang I really felt the need to reach out,” ani Chuckie.

Kabilang din si Aurina Alvarez Manansala-Hunt sa mga gumawa ng paraan para matulungan ang aktor. Si Aurina ang dating asawa ni John na kasalukuyang naninirahan sa Amerika.

Hinikayat din niya ang mga pamilya at kaibigan ng aktor na ipaabot ang kanilang suporta sa aktor upang magkaroon ito ng lakas ng loob na labanan ang sakit at mapabilis ang kanyang paggaling.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nanawagan din siya sa mga tagahanga ng kaniyang dating kabiyak na ipagdasal ang aktor.

Si John Regala ay nakilala noong dekada 90 sa kanyang mahusay na paganap sa mga pelikula at serye sa telebisyon bilang kontrabida.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Dinagsa ng tulong ang aktor matapos na mag-viral ang kanyang larawan na kuha ng nagmalasakit na netizen matapos na makita siyang humihingi ng tulong sa Pasay City.

Agad na sumaklolo sina Nadia Montenegro, entertainment columnist na si Aster Amoyo at Chuckie Dreyfus, Liza Diño-Seguerra upang matulungan ang aktor.

Maging ang unang asawa ni John na nasa Amerika ay agad na nagpadala ng tulong sa aktor. Katunayan, siya mismo ang kumuha ng personal na mag-aalaga kay John masiguro lamang na may mag-aasikaso sa aktor.

POPULAR: Read more about John Regala here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel