Naitalang OFW na nasawi sa Beirut blast, umabot na sa 4 habang 1 ang nawawala pa

Naitalang OFW na nasawi sa Beirut blast, umabot na sa 4 habang 1 ang nawawala pa

- Umabot na sa apat na OFW ang nasawi sa naganap na pagsabog sa Beirut, Lebanon

- Ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), tumaas rin bilang ng nasugatan

- Umabot sa 42 na Pinoy ang naitalang nasugatan sa naturang pagsabog habang isa pa ang patuloy na hinahanap

- Matatandaang naganap ang pagsabog noong August 4, 2020 na nagmula umano sa nakaimbak na 2,750 toneladang ammonium nitrate

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot na sa apat ang bilang ng nasawing OFW sa Beirut blast na naganap nitong August 4, 2020. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), tumaas din ang bilang ng mga nasugatan. Umabot sa 42 ang bilang ng injuries samantalang isa pa ang nanatiling missing ayon sa ulat mula sa Philippine embassy sa Beirut.

Napag-alaman ng KAMI na dalawang Pinoy ang nasa kritikal na kondisyon at kasalukuyang naka-confine sa Rizk Hospital.

“We are saddened by the latest turn of developments. The higher figure comes as our embassy personnel work to ascertain the condition of the Filipinos in its jurisdiction,” ani DFA Undersecretary Sarah Lou Arriola sa isang ulat ng GMA News.

Aniya, patuloy ang pagbibigay ng suporta ng DFA sa mga Pinoy sa Beirut na apektado sa nasabing trahedya.

“Our embassy officials shall continue to ascertain the condition of our community in Beirut. The DFA reaffirms its commitment to bring the much-needed support and assistance to our kababayans specially at this hour of need," dagdag pa ni Arriola.

Naitalang OFW na nasawi sa Beirut blast, umabot na sa 4 habang 1 ang nawawala pa

Beirut (Photo from Holger Leue via Getty Images)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa mahigit 33,000 na Pinoy sa Lebanon, 75 percent sa mga ito ang nakatira sa greater Beirut area.

Matatandaang naganap ang pagsabog nitong Martes, August 4, 2020. Ang pagsabog ay naganap matapos ang isang sunog na tumupok sa 2,750 toneladand ammonium nitrate na nakaimbak sa isang warehouse sa port ayon sa mga otoridad ng Lebanon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bukod sa mga napinsalang gusali, umabot sa 130 katao ang nasawi at 5,000 ang nasugatan. Matatandaang isa sa mga Pinay na nasawi sa nasabing pagsabog ay nakausap pa ang asawa ilang oras bago nasawi.

Isang ama naman ang nakuhanan ng video na sinubukang protektahan ang anak matapos marinig ang matinding pagsabog.

POPULAR: Read more news about Overseas Filipino Workers here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel