Lalaking di nagpautang at binantaang kukulamin, dumulog kay Raffy Tulfo

Lalaking di nagpautang at binantaang kukulamin, dumulog kay Raffy Tulfo

- Muntik nang ma-scam ang lalaking si Vellie Lambojon nang utangan agad siya ng naka-chat sa Facebook ng halagang ₱1,900

- Nang siya ay tumanggi, binantaan siya nito na papakulam na lamang siya dahil sa di niya pagpapautang

- Natakot ang lalaki dahil nagpadala pa ng larawan ng voodoo doll ang babae na ginagamit nga ng mga mangkukulam

- Sa kasamaang palad, hindi sumasagot ang babae sa mga tawag ng programa ni Tulfo kaya di nila matiyak kung iyon nga ba ang naka-chat ng lalaking nagrereklamo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lalaking di nagpautang at binantaang kukulamin, dumulog kay Raffy Tulfo

Vellie Lambajon (Screengrab from Raffy Tulfo in Action Facebook)
Source: UGC

Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo si Vellie Lambojon sa takot na siya ay makulam ng babaeng di na nagawang pautangin.

Nalaman ng KAMI na nakilala lamang ni Vellie ang babaeng si Mary Ann Dela Cruz sa Facebook na agad na nanghiram ng halagang ₱1,900 kay Vellie.

Tumanggi si Vellie dahil minsan na siyang na-scam kaya naman nadala na rin siya sa pagkakataong iyon.

Ngunit dahil hindi niya napagbigyan si Mary Ann, binataan siya nito na kukulamin siya sa loob ng tatlo hanggang apat na araw.

"Sinungaling ang bibig mo at madamot ang kamay mo, papakulam na lang kita" ang sinabi raw ni Mary Ann kay Vellie.

Mas lalong ninerbyos ang lalaki nang magpadala pa si Mary Ann ng mga larawan ng voodoo doll na siyang gagamitin daw sa pagkulam sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kasamaang palad, hindi na sumasagot sa mga tawag si Mary Ann maging sa mga tawag ng staff ni Tulfo upang makapanayam siya sa programa.

Bagaman at maari nila itong kasuhan, hindi naman nila magawa dahil hindi na nila mahagilap pa si Mary Ann.

Hindi rin sigurado si Vellie kung si Mary Ann nga ba ang mga nasa larawan sa Facebook na gamit nito sa pakikipagchat sa kanya. Ang tanging nalaman ni Vellie ay nasa Samar ang babae ngunit wala na siyang iba pang nalaman na detalye dahil panghihiram na ng pera ang inatupag nito sa kanya.

Kinumbinsi na lamang ni Tulfo si Vellie na daanin ang lahat sa dasal na higit na mas makapangyarihan kaysa sa bantang pangungulam.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala si Raffy Tulfo sa pagiging sumbungan ng naaapi lalo na ng mga ordinaryong mamamayan na hindi malaman kung sino ang maaring malapitan.

Maging ang aktor na si John Regala na kamakailan ay nag-viral dahil sa kanyang karamdaman ay natulungan din ni Tulfo. Nagkaroon pa nga ng pagkatataon si John at ang kanyang unang asawa na tumutulong sa kanya na magkausap sa pamamagitan din ng programa ni Tulfo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel