Dating Manila Mayor Alfredo Lim, sinugod sa ospital dahil sa COVID-19

Dating Manila Mayor Alfredo Lim, sinugod sa ospital dahil sa COVID-19

- Kasalukuyan nang nasa ospital ang 90-anyos na dating Mayor ng Manila City na si Mayor Alfredo Lim

- Tinamaan din ng COVID-19 ang dating alkalde ng Manila at hinihiling ng marami ang paggaling nito

- Maging ang kasalukuyang alkade ng Maynila na si Isko Moreno ay nalungkot nang malamang na-ospital si Mayor Lim

- 12 taon naglingkod si Mayor Lim sa Maynila at marami ring nagawa para sa ikauunlad ng lungsod

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dating Manila Mayor Alfredo Lim, sinugod sa ospital dahil sa COVID-19

Manila Ex-Mayor Alfredo Lim (Photo from Flickr)
Source: UGC

Kasalukuyan nang nasa isang government hospital si dating Manila City Mayor Alfredo Lim na nagpositibo sa COVID-19.

Nalaman ng KAMI na mahigpit na mino-monitor ang kondisyon ng 90-anyos na alkalde lalo na at mahirap na para sa edad nito na tamaan pa ng COVID-19.

Maging ang kasalukuyang alkalde ng lungsod ng Maynila na si Mayor Isko Moreno ay nalungkot sa balita at nanawagang magdasal para sa mabilis na paggaling ni Mayor Lim.

“We wish him a speedy recovery,” pahayag ni Yorme Isko sa panayam sa kanya ng Manila Bulletin.

Isa si Mayor Alfredo Lim sa mga kilalang alkalde ng lungsod ng Maynila. Tatlong dekada muna siyang naging pulis bago niya pasukin ang pamumuno sa naturang .

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matatandaang lampas isang dekada rin siyang nanilbihan bilang alkalde ng Maynila.

Nagsimula siyang maglingkod sa lungsod noong 1992 hanggang 1998.

Muli siyang nahalal bilang alkalde mula 2007 hanggang 2013.

Isa rin siya sa mga naging senador ng bansa at naglingkod sa senado mula sa taong 2004 hanggang 2007.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sadyang walang sini-sino ang virus na COVID-19 na kahit ang mga namumuno sa ating bayan ay tinatamaan. Tulad ni Mayor Joy Belmonte ng Quezon City na isa na ngayong COVID survivor matapos na magpositibo noong nakaraang buwan.

Kaya naman isa sa naging proyekto ng kasalukuyang Mayor ng Maynila na si Isko Moreno ay gumawa ng paraan upang magsagawa ng drive-thru testing hindi lamang para sa mga mamamayan ng kanilang lungsod.

Libre pa ang testing na ito at tanging identification card lamang ang ipakikita.

Kamakailan ay nagsimula na ring mamahagi ng libreng face masks sa lungsod. Target nilang mamigay ng ng isang milyong face masks.

Nito lamang Agosto 6, halos kalahating milyon na ang kanilang naipamigay. Ito ay upang masiguro na maging ang mga kababayan nating kapos at walang maipambili ng naturang proteksyon at mabigyan din.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel