Viral: Batang napa-TikTok habang nagdadasal, kinaaliwan ng netizens

Viral: Batang napa-TikTok habang nagdadasal, kinaaliwan ng netizens

- Tampok sa social media ngayon ang batang nagdadasal na kinaaliwan ng mga netizens

- Kita sa video na nagdadasal ang mga tao pati na ang batang ito

- Subalit, nang mag-Sign of the Cross ito ay napa-TikTok naman ang bata

- Hindi napigilan ng mga tao sa video na matawa sa ginawa ng bata habang nagdadasal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging viral sa social media ang isang bata dahil sa kanyang nagawa nang magdasal sila.

Nalaman ng KAMI na imbis mag-Sign of the Cross ay napa-TikTok ang bata.

Viral: Batang napa-TikTok habang nagdadasal, kinaaliwan ng netizens

Larawan mula sa Getty Images
Source: Getty Images

Sa video na binahagi ni Eugene Arranguez Contiga sa Facebook, makikitang may pagsasalong naganap. Kaya naman, nagdasal muna ang mga tao bago nagsimulang kumain.

Subalit, tila naging katatawanan ang nangyari nang magdasal sila. Imbis na mag-Sign of the Cross ang bata ay napasayaw ito ng Savage Love dahil halos magkalapit ang steps dito.

Nagulat at natawa naman ang mga taong nakapaligid dahil tila halatang mahilig sa TikTok ang bata. Agad namang pinagsabihan ang bata ng lolang nasa tabi niya at tinuruan ito nang tamang Sign of the Cross.

Samantala, tawang-tawa naman ang mga netizens sa video na ito. Ngayon ay may higit 2.1 million views na ito. Narito ang mga komento nila sa Facebook video:

“hahah tiktok pa more”
“nasobrahan na sya kakatiktok hahahahha”
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH nilamon ng tiktok”
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA tiktok is life”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sikat na sikat nga ngayon sa Pilipinas ang video app na TikTok. Maging ang mga government officials at sikat na artista ay gumagamit din nito.

Kamakailan, naglabas ng pahayag ang Palasyo ukol sa posibilidad na ipagbawal ang TikTok sa bansa matapos ang mga isyu nito sa seguridad ng app.

Samantala, ang bansang India naman ay tuluyan nang ipinagbawal ang TikTok sa kanilang bansa. Pati na rin ang iba pang Chinese apps dahil sa “security” issues.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel